HANGAD ng lahat ng magulang ang kaligayahan ng kanilang mga anak, lalo na pagsapit ng panahong bubuo na ang mga ito ng sariling pamilya.
As far as Edu Manzano is concerned, kung saan masaya ang panganay niyang si Luis Manzano ay masaya na rin siya.
“Ikinatuwa ko nang dalhin niya sa bahay at ipakilala sa akin si Jessy (Mendiola). Dapat lang, dahil gusto kong makilala ang babaeng magiging malaking bahagi sa kanyang buhay,” sabi ni Edu.
“I trust my son at his choices. I don’t give advice unless he asked for one. At 37 he knows exactly kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya.”
Isang bagay na namana ni Luis sa ama ay ang terrific sense of humor ni Edu, na ayon sa beteranong aktor ay well-appreciated ni Jessy.
“My son is always at her side to make her smile, lalo na’t may dinaramdam,” kuwento ni Edu.
Happy si Edu na up to now ay maintained ang friendship nila ng ex-wife niya at ina ni Luis na si Vilma Santos. Sapul sa pagkabata ay naimulat nila kay Luis ang kahalagahan ng respeto at Christian values.
Pero kung si Congresswoman Vi ay naiinip nang magkaroon ng apo, Edu is bidding his time.
“Hindi kami ang magdedesisyon kundi sila, kung kailan magpapakasal at magkakaanak. Sila ang magdedesiyon kung kailan lalagay sa tahimik at kung ilan ang gustong maging anak. At saka hindi pa ako ready na tawaging lolo,” sabi ni Edu.
Sample ito ng sense of humor ni Edu, who still looks good and yummy at 63 years old.
-REMY UMEREZ