HINDI lang si Jessy Mendiola ang sumagot sa post ng basher niya tungkol sa pagpapakasal nila ng boyfriend na si Luis Manzano, gaya ng dati, ipinagtanggol siya ng TV host laban sa mga ito.

Say ng basher: “Ayaw kasi siyang pakasalan ni Luis, kung pakakasalan ‘yan matagal na sana.”

May sumingit pang isa, at ang sabi: “’Wag ka na umasa @senorita_jessy kasi kung talagang mahal ka niyan aayain ka na magpakasal.”

Sagot ni Jessy: “Wow, kayo pala ang mag-determine sa kasal ng ibang tao. Kakaiba, mas marunong pa kayo sa mismong nasa relasyon.”

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

Hindi nakatiis si Luis at sinagot ang bashers: “So dapat kami mag-a-adjust sa time table na gusto niya? Hahahaha. ‘Yung totoo sana... ‘yung kabobohan n’yo namana ba ‘yan o sa inyo nagsimula ‘yan?”

Sinundan pa ni Luis ang nasabing komento: “@clairessfernandez, ganito na lang, ang pakialaman mo buhay ni @karendeecr at siya sa buhay mo, para ‘di na kami makialam sa away ng mga bobo.”

Ayan, natawag tuloy ni Luis na bobo ni Luis ang dalawang bashers na pinoproblema kung kailan sila magpapakasal ni Jessy. Hayaan na kasi ang may relasyon, at hintayin na lang natin ang announcement kung kailan sila magpapakasal.

-NITZ MIRALLES