MAGIGING ama na ang 23-anyos na si Romero “Ruthless” Duno kaya gusto niyang salubungin ang pagsilang ng anak na isang kampeon.
Kakasa si Duno kay Kuldeep Dhanda ng India para sa bakanteng WBA Asia lightweight title sa Pebrero 9 sa Midas Hotel and Casino kung saan nangako siyang patutulugin ito para pumasok sa WBA world rankings.
“I won big against Christian Gonzales in the US when I was a total bachelor. It was my biggest break which made Golden Boy noticed my talent. It opened all doors for all these opportunities,” sabi ni Duno.
“But now that my partner is pregnant and I am going to be a dad, never have I been so motivated in my entire life. I dedicated this fight to my new family especially to my baby. This is going to be an even more exciting fight.”
Nakuha ni Duno ang WBC Youth Continental lightweight title sa pagwawagi kay Gonzalez via 2nd round knockout sa Belasco Theatre, Los Angeles, California sa United States pero hindi siya nakalista sa top 40 boxers ng WBC.
May kartadang 18 panalo, 1 talo na may 14 na pagwawagi sa knockouts, umiskor pa si Duno ng apat na panalo sa iba’t ibang lugar sa California bago magbabalik sa Pilipinas.
“The greatest joy for us boxers is to fight in our own country and in front of our countrymen. And now my fight will be shown live? It excites me even more. I am really going to give them a show. I am just so thankful to Sanman and to ESPN 5 for making this possible,” dagdag ni Duno.
Para kay Sanman chief finance officer Dexter Tan na isa sa mga nangangisiwa sa karera ni Duno, magandang pangitain na kakasa ang tubong Cotabato City, Maguindanao sa boksingero mula India na binansagang “Brawler.”
-Gilbert Espeña