IPINABILANG ni Ruru Madrid kung ilan ang abs niya, sa mediacon ng TODA One I Love, a political romantic-comedy series, last Wednesday, January 30. Sa nasabing bagong serye mula sa GMA News & Public Affairs, may pakitaan ng abs si Ruru at ang ka-love triangle nila ni Kylie Padilla na si David Licauco.

Ruru copy

So, sino sa kanila ni David ang mas maraming abs?

“Hindi po ako nakikipagkumpetensiya kay David,” natatawang wika ni Ruru. “Basta kung kailangan ko pong i-display ang abs ko sa eksena game naman ako.”

Relasyon at Hiwalayan

'Lahat kakayanin!' Ruru, 'di naniniwala sa '7-year itch'

Inamin ni Ruru na may gagawin siyang pictorial para sa Bench summer campaign. Ano ang isusuot niya? Kasi last year, may pictorial siya for Bench, pero naka-long pants lamang siya.

“Okay po naman sa akin kahit underwear, basta hindi po naman mukhang malaswa,” sabi ni Ruru. “Sa ngayon po hindi ko pa alam kung ano ang isusuot ko sa pictorial. Priority ko po muna ngayon itong aming TODA, dahil gusto kong magustuhan ito ng mga manonood.”

Nagpasalamat si Ruru na muling ibinalik ng GMA ang love team nila ni Kylie, kaya masayang-masaya raw ang kanilang mga fans. Thankful din sila ni Kylie sa KyRu fans na lagi raw may dinadalang masasarap na pagkain sa set nila ng taping kahit ang layo ng location nila sa Pampanga.

“Naku, thankful din kami sa mga fans nila,” sabi naman ni Gladys Reyes na katabing iniininterbyu ni Ruru after the presscon. “Basta may dala silang pagkain, damay na kaming kasama sa taping, ang babait nila.”

Sa serye, gagampanan ni Ruru ang role ni Raymond “Emong” Magsino, anak siya ng kasalukuyang namumuno sa TODA. Gusto ni Emong na mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya kaya nag-abroad siya para magtrabaho bilang isang mekaniko, kaya pansamantala silang nagkahiwalay ng kaibigang si Gelay (Kylie).

Bumalik siya agad nang mawalan siya ng trabaho abroad at nakita niya kung gaano na kaganda si Gelay, pero sobrang matapang ang dalaga. Na-in love siya rito, pero may kakumpetensiya siya, si Kobe Generoso (David).

Kung ayaw niyang makipagkumpetensiya sa abs ni David, papayag ba siyang hindi ilaban ang pag-ibig niya kay Gelay?

Si Ruru ang umawit ng theme song ng serye na Sana sa Huli, at mapapanood na ang serye simula na sa Lunes, February 4, after ng Onanay, kasabay ang world premiere nito sa GMA Pinoy TV.

-NORA V. CALDERON