MAY bagong kasaysayan na naiukit sa local sports ang Philippine Skating Union (PHSU).

MACARAEG: Unang Pinoy skater sa 2020 Youth Olympics.

MACARAEG: Unang Pinoy skater sa 2020 Youth Olympics.

Kabilang ang 15-anyos na si Julian Macaraeg sa mga atleta na sasabak sa Youth Olympic James sa 2020 sa Japan matapos magkwalipika ang pambatong ice skater ng bansa sa Short Track event.

Nakalusot si Macaraeg, unang Pinoy skater na nakapasok sa pamosong quadrennial meet, sa Winter Youth Olympics nang malagpasan ang qualifying time sa bilis na 43.7 segundo sa 500-meter event ng ISU World Short Track Championships nitong Martes sa Montreal, Quebec, Canada.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ranked No.42 sa World, tinanghal si Macaraeg na best Southeast Asian skater sa 500-meter at 1,000-meter qualification rounds.

Batay sa overall scores, pumuwesto ang Pilipinas sa No.27 sa 32 bansang nagkwalipika sa torneo. Kasama ni Macaraeg na sumabak sa Canada si Marc Gonzales, pambato ng bansa sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

“We are happy for Julian’s achievement,” pahayag ni Christopher Martin, Sports Director ng Philippine Skating Union.

Ipinahayag naman ni PHSU President Josefina T. Veguillas ang kahandaan ng short track team sa SEA Games.

Kabilang sa koponan sina Kayla Gonzales, Xsandrie Guimba , Lora Sanchez , at Anthea De Guzman. Makakasama nila sina figure skaters Gabby Panlilio at Skye Chua, na lalahok din sa 1st Winter Children of Asia International Sports Games ngayong taon.

Pinangalanan ng PHSU si Martin bilang delegation team leader, habang si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Celia Hicarte-Kiram ang Chef de Mission.

-BRIAN YALUNG