MAY pagka-senti ang role ni Ogie Alcasid sa pelikulang Kuya Wes, na opening salvo para sa 10th year anniversary presentation ng Spring Films Productions nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, at ng Cornerstone producer na si Erickson Raymundo.

Ogie, please crop copy

Ginanap ang special screening ng Kuya Wes sa UP Sine Adarna theater nitong Lunes, mula sa imbitasyon ni katotong Rodel Ocampo Fernando.

Sa Kuya Wes, nakikitira lang itong si Ogie sa isa niyang kapatid at nagwo-work siya sa isang pera-padala o remittance center.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakilala niya si Inah Raymundo nang kumuha ito ng pera sa kanilang opisina na padala ng asawa nito. Tipong na-mesmerized ang Ogie sa alindog ni Inah at unti-unting na-fall in love sa nasabing kliyente.

Na tipong pinaasa siya at umasa naman siya. Kasi nu’ng hindi na nagpapadala ng pera ang asawa ni Inah ay si Ogie ang umako sa responsibilidad na kunwari ang perang galing sa kanya ay ipinadala kunwari ng asawa ni Inah.

Kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari ay panoorin nyo na lang ang Kuya Wes, na ipalalabas na sa March 13 in theaters nationwide. Although, originally ay isa ito sa official entries ng Cinemalaya last year, 2018.

“I really like the character kasi, ‘di ba, a hero is someone spectacular, someone big, someone well-liked. Si Kuya Wes is opposite nun, eh. He is not well-liked, he is not a big person, he’s ignored.

“So, I wanted to play that because minsan nakikita ko ‘yung sarili ko na ganun, I’m just a simple guy. Of course, celebrity ako, pero hindi ako mapagmalaking tao. And then nung binasa ko ‘yung script, natatawa ako eh, pero naaawa ako. So, it’s so different sa mga nagawa ko na,” sabi ni Ogie sa Kuya Wes press screening night sa UP Cine Adarna.

And take note, isa rin siya sa producers ng nasabing pelikula. Sumosyo siya kina Piolo, Direk Joyce, at Erickson ng Spring Films.

“Walang ibang magpo-produce, eh. Nung time na iyon sina James (direktor) wala pa siyang producer talaga, eh. ‘Yung Spring could only go half way. So, if no one else na makikisosyo sa kanila hindi matutuloy ‘yung movie. So, doon na ako pumasok,” sabi ni Ogie Da Pogi.

So there, brother!

-MERCY LEJARDE