MULING sasabak sa putikan at matinding sikat ng araw ang mga sikat na mga riders sa unang yugto ng MX Messiah Fairgrounds (MMF) Supercross 7 ngayong Sabado sa MMF, Club Manila East, Taytay Rizal. 

IBINIDA ni Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) president Joanne Go ang tsansa ng Pinoy paddlers sa 12 event na nakataya sa Southeast Asian Games sa Nobyembre, habang matamang nakikinig sina (mula sa kaliwa) National coach Len Escolante, TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight, Malabon Team owner Rinbert Gallarde, Community Basketball Association (CBA) founder Carlo Maceda at Motocross organizer Samuel Tamayo sa mainit na usapan sa Tabloid Organization in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

IBINIDA ni Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) president Joanne Go ang tsansa ng Pinoy paddlers sa 12 event na nakataya sa Southeast Asian Games sa Nobyembre, habang matamang nakikinig sina (mula sa kaliwa) National coach Len Escolante, TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight, Malabon Team owner Rinbert Gallarde, Community Basketball Association (CBA) founder Carlo Maceda at Motocross organizer Samuel Tamayo sa mainit na usapan sa Tabloid Organization in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Aabangan a n g muling pagtutunggali nina Davao pride Bornok Mangosong, 87 Racing rider Jeric Mitra at pambato ng Bicol na si Enzo Rellosa.

Minsan pang masasaksihan ang umaatikabong bakbakan ng mga batang manlalaro sa motocross sa pagsungkit ng overall championship crown sa 5-leg series.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Hindi din magpapahuli ang mga rising moto stars Ralph Ramento at Ompong Gabriel sa pagsungkit ng korona sa pro open category. Sasaabak naman ang Taytay bet na si David Viterbo sa kanyang mga katunggali sa pag transisyon nito mula sa 85cc sa pro.

“Maaksiyon po ang ating karera. Through the years, talaga pong pinagbubuti namin ang bawat programa para mas maraming kabataan ang maenganyo namin hindi lamang na sumabak sa sports bagkus maunawaan ang motocross bilang isang disiplina na magagamit nila sa araw-araw na pamumuhay,” pahayag ni Sam Tamayo, pangulo at chief organizer ng grupo, sa kanyang pagbisita kahapon sa TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Kasama niyang bumisita ang kasalukuyang ‘King of Motorcross’ na si Bornok Mangosong at sumisikat na lady rider na si Jasmin Jao, anak ni motocross legend Jolet Jao.

Bibida ang 18-anyos na si Jao laban kina Pia Gabriel ng Nueva Ecija, Quiana Reyes sa women’s no limit, habang hihirit si Shana Tamayo sa girls class (12 and below).

Kasama pa din sa line up ang mga chikiting na sina Joshua Tamayo, Kindrich Flores at Christian Mercado na sasabak sa Yamaha PW50 (5 and below), 50cc (7 and below), 50cc (9 and below) at 65cc.

Ilan pa sa mga kategoriya na masasaksihan ay ang amateur open production (17 and below), amateur open production (No age limit), veterans class (35 and above), executive (40 and above), open local enduro (125-150 4-stroke), pen Loclal enduro 2-stroke at power enduro.

Naglaan ang Generation Congregation ng karera para sa mga bagong sabak sa isports sa pamamagitan ng kanilang MMF Academy classes.

“Nais namin ma-unite ang sport na motocross sa bansa at magbigay ng pagkakataon para sa mga riders na higit pang mahasa ang kanilang gilas at liksi. Inaanyayahan namin kayo na makapunta at masaksihan ang laban sa Linggo,” sambit ni Tamayo.

Ang registration ay papalo sa halagang P500.00 kada kategorya at masasaksihan sa MMF at Vermosa mula sa Sabado at sa March 3, March 23, March 24, April 14 at May 3.

Naghihintay ang tropeo at cash prize sa nasabing seryeng inorganisa ng MMF at suportado ng Shell Advance Motorcycle Oil, Yamaha Motor Philippines, Fox Racing Philippines, Coffee Grounds, Dunlop Tires, at Richbian Taxi.