Laro Ngayon
(Shabab Al Ahli Club, Dubai)
11 n.g. -- America University vs Mighty Sports
DUBAI – Maigsi man ang naging preparasyon bilang iisang koponan, kumpiyansa ang Philippine-Mighty Sports sa matikas na kampanya simula ngayon sa pagsabak kontra American University sa 30thDubai International Basketball Championship sa Shabab Al Ahli Club dito.

Walang scouting report na nakuha ang coaching staff hingil sa lakas ng American squad, ngunit kung ang tatanungin ay ang libo-libong Pinoy workers dito, liyamado ang Mighty Sports.
Maging si coach Charles Tiu ay nagpahayag ng all-out –war laban sa karibal sa kanilang duwelo ganap na 11:00 ng gabi (Manila time).
“Whoever they are, we will still play as hard as we can. We don’t have an idea about their strengths and weaknesses so they are still a puzzle to us,” pahayag ni Tiu, nakababatang kapatid ni PBA star Chris Tiu ng Rain or Shine.
“Still they are Americans, we know their culture when it comes to basketball,” pahayag naman ni co-team owner Alex Wongchuking. “We have to take them in business-like manner so we can start our campaign on a winning note.”
Anuman ang kaganapan, masasabing maganda ang kalalagyan ng Might Sports matapos malagay sa may kahinaang Group B kasam ang Lebanon’s Homenetmen, Syria’s Al Wahda at ang National Team ng UAE. Itinatauyod ang Might Sports ng SMDC, Go For Gold, Oriental Group at Healthcube.
Nasa Group A naman ang Lebanon’s Al Riyadi and Sports Club of Beirut, Sala of Morroco, Jordan national team and Iraq’s Al Nift.
Pangungunahan ang Mighty Sports ni dating LA Lakers star Lamar Odom, kasama sina Ginebra resident import Justin Brownlee, Chinese league veteran Randolp Morris at combo guards na sina Jason Brickman at Juan Gomez de Lianno.
Sunod na haharapin ng Mighty Sports ang UAE sa Sabado bago ang Homenetmen sa Linggo. Matapos ang isang araw na pahinga, sasagupain nila ang Al Wahda.
Batay sa format, ang apat na mangunguna sa bawat grupo ay magtutuos sa crossover quarterfinal round sa Huwebes kung saan ang mananalo ay maglalaban sa knockout game.
“It we can top our group elims then we will have a greater chance to play in the semis,” pahayag ni Tiu.
-REY C. LACHICA