Apat na pasahero ang nasawi habang 40 iba pa ang nasugatan nang masalpok ng isang bus ang isang truck sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa Concepcion, Tarlac, kahapon ng umaga.

Ayon kay North Luzon Expressway (NLEX) Traffic Management Chief Robin Ignacio, hindi pa nakikilala ang apat na nasawi.

Patungo sana sa Baguio City ang mga pasahero ng bus, na pawang opisyal ng isang barangay sa Naic, Cavite, nang mangyari ang aksidente.

Sinabi ni Ignacio na mabilis ang takbo ng bus nang mabangga nito ang likurang bahagi ng truck, na may kargang container van.

Trillanes, ‘di kinakalimutan umano’y anomalya ni Pulong sa flood control projects: ‘Hahabulin ko pa rin!’

Dead on arrival sa Concepcion District Hospital ang apat na pasahero, dahil sa matinding pinsala sa kanilang ulo.

-Jonas Reyes