Dragonboat at canoe-kayak, nangako ng 5 ginto para sa SEAG title

TARGET ng Team Philippines na muling makamit ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

TARGET ng Team Philippines na muling makamit ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

TARGET ng Team Philippines na muling makamit ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

At handa ang Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) na tumugon sa panawagan.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Ipinahayag ni PCKDF National coach Len Escolante na handa ang Pinoy paddlers na sumagupa sa matitikas na karibal sa rehiyon at malaki ang tsansa na makamit ang gintong medalya sa lima sa kabuuang 12 event na nakataya sa sports.

“Mahirap magsalita, but we’re capable of winning five gold medals in Dragonboat ang canoe-kayak,” pahayag ni Escolante sa kanyang pagbisita sa Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Kasama niya sa lingguhang talakayan na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez sina PCKDF president Joanne Go, Community Basketball Association (CBA) founder Carlo Maceda at Malabon team owner Rinbert Gallarde.

“Ready na yung program namin for SEA Games, naisubmit napo namin sa PSC. Kasama na roon yung pre-SEAG tournament na lalahukan namin as part of our preparation,” ayon kay Go.

Iginiit ni Escolante na nakatakda pa rin silang magsagawa ng National Open sa March 9-10 upang makita ang kahandaan ng National Team at makapili ng dagdag na atleta.

“Parang try-outs na rin naming. Baka may makita pa tayong magagaling na puwede sa team,” sambit ni Escolante.

Ibinida naman ni Go na magiging ‘dragonboat capital’ ang Pilipinas matapos mapiling host sa 2020 World Dragonboat Congress kung saan inaasahang darating sa bansa ang 134 kasaping miyembro ng international federation.

Ang Pilipinas ang unang bansa sa Southeast Asia at pangalawa sa Asia na nakapag host ng Congress na unang ginawa sa Hong Kong noong 1997.

“We’re gratified for the trust and confidence of the international federation choosing the Philippines as host of the 2020 World Dragon Boat Congress,” pahayag ni Go.

Kabilang sa panauhing pandangal si Asian Dragon Boat Association chief Toshiho Narita. Ayon kay Go darating si Narita galing sa Sapphoro kung saan siya nakatira para dumalo sa nasabing congress supported by Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

“Malayo pa man pinaghahandaan na namin para mapatakbo ng maayos at hindi tayo mapahiya sa mga foreign delegates sa una natin pag host sa congress,” ani Go.

-Edwin G. Rollon