NASA 60 magsasaka ng Jalajala Rizal ang nabiyayaan na ng sariling lupa makaraang ipamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang titulo ng lupa sa turn over ceremonies sa kapitolyo, nitong Linggo.

Mismong si DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Saturnino Bello ang namahagi ng emancipation patents (EPs) sa mga magsasakang benepisyaryo, na lubos naman ang pasasalamat sa pamahalaan.

“You finally own the lands you’ve been waiting for through the years of toiling and taking care of it. Nobody deserves it better than you and you should make it more productive now,” paghikayat ni Bello.

Ang mga Emancipation Patents (EPs) ay titulo na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Land Reform Law ng 1972, habang ang Certificates of Land Ownership and Acquisition (CLOAs) ay ibinibigay sa mga benepisyaryo sa ilalim ng 1988 Agrarian Reform Program o ang RA 6657.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ibinahagi ng DAR provincial program officer na ang kaganapan nitong Linggo ay nakatuon sa pamamahagi ng titulo sa Jalajala, na halos lahat ng lupain dito ay sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at kailangan ng ipamahagi sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Siniguro naman ni Bello sa mga magsasaka na magpapatuloy ang pagsisikap ng ahensiya na gawing mas produktibo ang kanilang mga lupain, sa pamamagitan ng DAR support services at ng mga proyekto katuwang ang iba pang kaugnay na ahensiya at lokal na mga pamahalaan.

Sakop ng landholdings na ipinamahagi ang nasa kabuuang 17.8 ektarya na nasa Barangays Sipsipin at Poblacion, Jalajala.

Kasunod ng pamamahagi ng titulo ng lupa, ibinahagi ng mga opisyal ng DAR ang mga karapatan, tungkulin at responsibilidad ng mga magsasaka bilang ARBs.

PNA