Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque na huwag tanggapin sa mga pampublikong ospital ang mga drug personalities.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa groundbreaking ceremony ng bagong San Lorenzo Ruiz General Hospital, sa Barangay Panghulo, Malabon City, sinabi nito na makabubuting itapon ang mga drug personalities sa daan.
“Marami akong gustong sabihin o tanungin. Iyong mga adik dito ba patay na lahat? Kasi po ang utos ko kay Secretary Duque na ‘pag ang nagsaksakan, nagbarilan puro adik, huwag nang tanggapin. Itapon ko na lang diyan sa daan kung saan,” ani Duterte.
Una nang nanindigan ang Pangulo na wala rin siyang balak na pakainin ng kanin ang mga naarestong drug addict.
-Beth Camia