Mahigpit nang ipagbabawal ang mga liquid items, kabilang ang bottled water, sa mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ito ay bahagi ng mas pinaigting na seguridad na ipinatutupad matapos ang magkasunod na pambobomba sa Jolo Cathedral nitong Linggo.

Kaugnay nito, hinigpitan na ng pamunuan ng mga naturang mass railways system ang pag-inspeksiyon sa mga bags at x-ray procedures ng kanilang mga pasahero at kinukumpiska ang mga liquid items, matapos na ideklara ng Philippine National Police (PNP) ang heightened alert status dahil sa Jolo bombing.

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Police Director Guillermo Eleazar, may mga liquid items na harmful chemicals pala ang laman at maaaring banta sa kaligtasan ng mga pasahero.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Nanawagan na rin si Eleazar sa publiko na maging alerto at mapagmatyag at agad na ipagbigay-alam sa mga pulis ang anumang kahina-hinalang kilos o bagay.

Pinayuhan din niya ang publiko na huwag magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon.

-Mary Ann Santiago