Pinayuhan ng Department of Health (DoH) ang publiko na mag-ingat laban sa mga sakit na maaaring makuha sa panahon ng taglamig.
Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, laganap ang respiratory illnesses katulad ng ubo, sipon, asthma at influenza sa panahon ng taglamig.
Hinikayat din niya ang publiko na magpabakuna upang makaiwas sa grabeng epekto ng mga sakit.
Nabatid na patuloy pa ring mararanasan ang malamig na panahon hanggang sa susunod na buwan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa Baguio ay pumalo na sa 9.2 degrees Celsius ang temperatura.
-Mary Ann Santiago