Sa pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad, ipinagbabawal ng Archdiocese ng Davao ang pagbibitbit ng mga bag at kahon sa loob ng mga simbahan.

Ito ang laman ng ipinaabot na liham ni Davao Archbishop Romulo Valles, na inilabas ilang araw matapos ang magkasunod na pambobomba sa Jolo Cathedral.

“Please be informed that starting today, for all churchgoers, it is not allowed to bring with you bags, backpacks, knapsacks, boxes, cartons, and the like into the church,” pahayag ng arsobispo.

“Only small purses and the like are allowed,” dagdag ni Valles, at ipinaliwanag na dahil ito sa kasalukuyang sitwasyon at banta sa kapayapaan at kaayusan sa bahaging ito ng bansa.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

-Leslie Ann G. Aquino