Sasailalim sa marksmanship training ang nasa 1,000 snipers ng pamahalaan upang mapalakas ang kampanya ng gobyerno laban sa terorismo, ipinahayag ni Pangulong Duterte.

Ang nasabing armas ay maaari umanong ipadala sa Jolo, Sulu, kung saan naganap ang magkasunod na pambobomba, upang tumulong sa puwersa ng pamahalaan sa pakikipaglaban sa mga rebelde.

“’Pag nakakarga ng – nakahawak ng baril, huwag mo nang palapitin, targetin mo na. Tutal marami ‘yan, sabi ko I ordered to --- the training of 1,000 sharpshooters, snipers,” pahayag ni Duterte sa kanyang pagbisita sa Jolo, nitong Lunes.

“E ‘di i-assign natin dito para hindi masyado baldado ang sundalo ko. Iyan ang direksyon ko. Kung sundan ninyo ako, mabuti. ‘Pag hindi, okay lang rin. Pero basta ako, kung – hindi ako pa – hindi tayo p’wedeng ganito,” pahayag ng Pangulo.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Ipinag-utos na ng Pangulo sa militar ang paggamit ng lahat ng resources upang ubusin ang Abu Sayyaf, na nasa likod ng pambobomba sa Jolo.

Gayunman, pinaalalahanan ng commander-in-chief ang militar na hanggat maaari ay bawasan ang collateral damage. Handa rin umano ang pamahalaan na tulungan ang mga pamilya na maaapektuhan ng mga operasyon ng militar.

“Be careful about the civilians. Kayong mga Moro do not --- baka magtanim kayo ng galit. Nanay ng nanay ko Maranao,” ani Duterte.

-Genalyn D. Kabiling