Nagpahayag ng pangamba si dating presidential political adviser Francis Tolentino hinggil sa pambobomba nitong Linggo sa Jolo Cathedral sa Sulu, at sinabing malinaw na banta ito sa kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan.

Magkasunod ang pagsabog na bumulabog sa misa nitong Linggo ng umaga sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral, na kumitil sa buhay ng 21 at mahigit 100 ang nasugatan.

Kinondena ni Tolentino ang insidente kasabay ng panawagan para sa agarang imbestigasyon upang mabilis na maibigay ang hustisya sa mga biktima.

“Nakalulungkot na sa gitna ng pagsisikap ng ating pamahalaan, sa pangunguna ng Pangulong Duterte, na makamit ang tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao, may mga salungat na puwersang pilit na humahadlang sa pagsulong tungo sa pag-unlad,” pahayag ni Tolentino.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists