HINDI mapigilan ang pananalsa ni country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa sa top board ng pangunahan ang Home School Global A chess team sa 3-1 victory kontra sa Bagong Silangan Elementary School A chess squad sa final round ng 1st St. Judenites Scholastic Rapid (25 + 5 seconds delay) Chess Team Tournament (Grade School) na ginanap sa St. Jude Catholic School sa San Miguel Street, Manila.

Ang 11-year-old Mandaluyong City bet na si Racasa, suportado nina Past President of Rotary Club of Pasig engineer Rogelio Lim ng Boni Tower at ng Hotel Sogo, ay nagwagi sa kanyang final match kontra kay Mar Aviel Carredo.
Nakamit ni Racasa, kampeon sa girls 12-and-under category para sa Visayas leg ng 2019 National Age Group Chess Championships kamakailan, ang gintong medalya sa Board 1 tangan ang perpektong anim na puntos.
Bukod kay Racasa kasama din sa koponan ay sina Board 2 silver medallist Ethan Jackenzie Ang (5/6) Silver, Board 3 silver medallist Ernest Jacoby Ang (4.5/6) at Board 4 Isaiah Wil See (1/6).
Nagpakitang gilas din sina Ethan Jackenzie at Ernest Jacoby na ginaba sina Rhenz Andrew Erlano at Nicole Ann Gangani sa Board two at three, ayon sa pagkakasunod.
Iniwas naman ni Aristotle Simon ang posibleng pagkabokya ng kanyang koponan matapos daigin si Isaiah Wil sa Board four.
Tumapos ang Home School Global A chess team ng 3rd overall sa pagkubra ng 16.5 game points.