NAGPASALAMAT ang Vietnamese beauty queen na si Ngan Anh Le Au sa “hurtful words” ng kanyang mga bashers matapos siyang akusahan ng pangongopya ng stage performance ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa finals ng Miss Intercontinental 2018 na idinaos sa bansa nitong Sabado.

miss vietnam copy

Sa kanyang Instagram nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Anh Le na higit pa niyang isusulong ang kanyang adbokasiya laban sa cyber-bullying dahil sa mga negatibong komento na natanggap niya sa kompetisyon.

“Last but not least, for my bashers, thank you for your negativities to make me become positive-minded person. Thank you for your hurtful words to make me stronger and be a reason for me to pursue my advocacy against cyber-bullying on the world stage,” pahayag ng beauty queen, na kinilalang Peple’s Choice awardee sa pamamagitan ng online votes, at kalaunan ay naging 4th runner-up sa patimpalak.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Iginigiit ng mga social media bashers na walang originality si Anh Le nang kopyahin, anila, nito ang runway presentation ni Catriona sa finals ng Miss Universe 2018 beauty contest na idinaos sa Bangkok, Thailand noong Disyembre 17.

Ngunit inilarawan ng Vietnamese beauty ang kanyang pananatili sa Maynila bilang “memorable” dahil sa kanyang mga naging kaibigan, sa mga kapwa niya kandidata, sa mga organizers at mga trainers.

“Finally, I have got 4th runner-up placement of Miss Intercontinental 47th edition. First of all I want to say thank you for Miss Intercontinental Organization to give us memorable gathering in a beautiful Philippines for this biggest celebration in the pageant history,” aniya.

“Thank you for teaching us how to be responsible, disciplined and focused to overcome our comfort zones to pursue our dreams. Thank you for the entire management and our chaperons: Héctor, Simone, Harini, Ashley, Diana.. for always taking good care of us;

“For my fellow contestants, thank you for giving me the opportunities to know you and become good sisters. I will never forget the way you celebrated my birthday together. I love you all;

“To have this achievement, this is not only my effort and hard work but also thanks to the great support from my family, my team, my fans and my beloved ones. Thank you so much for always be back behind me;

“I want to express my most sincere gratitude to Tito Rodin Gilbert B. Flores, Miguel West, Bench Ortiz, Enan Bernaldez, Cruz Drew Galleguez for providing me professional training to be well-prepared in this competition;

“I am proud to be a part of #KFamilia. Also I want to thank you for Jim Ryan Ros and Glam team to make us beautiful on stage. Thank you my Filipino fans, especially Janice Camallere for watching and supporting me from the beginning of the journey. I appreciate your caring very much,” pahayag ni Anh Le sa kanyang IG account.

Ang Filipino-Australian beauty queen na si Karen Gallman ng Pilipinas ang kinoronahang 47th Miss Intercontinental, sa finals na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Si Karen ang unang Pinay na nagkamit ng nasabing titulo.

-ROBERT R. REQUINTINA