SI Madam Leonora Sy ang producer ng bagong weekly show sa PTV4 na nagsimula nang umere nitong Linggo, 8:00 pm-9:00 pm.

“Ang Saludo is all about everything. Lahat-lahat ng nangyayari sa ating paligid, hindi lang ito about military. Kaya lang po naging Saludo ang title ay dahil ang mga in-house actors ay mga pulis,” sabi ni Madam Leonora.

“Kakaiba po. Meron din mga civilians, pero ang gaganap ay ‘yung mga pulis natin dito sa Camp Crame. Meron din kaming gine-guest na artista dito sa Saludo, like Polo Ravales sa first episode.”

Ano ang nagbigay-inspirasyon sa kanya para maging producer ng Saludo sa istasyon na konektado sa gobyerno natin?

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

“Inspiration? Dito ‘yung mga nakakasama ko dito sa PNP (Philippine National Police). ‘Yung mga nakakahalubilo ko dito. Kasi my ex-husband is a policeman. We have two kids. Kaya halos all my friends ay nagwo-work dito sa PNP. Kaya marahil nabuo itong programa naming Saludo sa PTV4.

“May isa pa akong nagawa na konektado rin sa kapulisan. ‘Yung Men In Uniform. Movie siya pero hindi pa naipapalabas. But coming soon. Sina Rommel Padilla, Jeric Raval, Empress Schuck ang mga nasa cast ng Men In Uniform. Sa sinehan hindi pa siya naipapalabas pero sa ilang schools naipalabas na.

Inamin din ni Madam Leonora na sumabak siya sa pagpo-produce dahil pangarap niyang maging artista.

“Kaya ko sinubukan ang maging producer ay dahil dream ko talaga ito ever since. Hindi lang ang maging producer kundi maging actress, kaya isa rin ako sa mga in-house actress kasama na rin ang pagho-host. At nasisiyahan naman ako sa ganitong business na pinasok ko.”

Wow, taray, host na, producer pa, actress pa rin, bongga! All rolled into ang isang Madam Leonora Sy, ‘ika nga. Na ikinatawa lang niya.

Niwey, ang director ng Saludo show ng PTV4 ay isa ring pulis named Chief Supt. Rhodel Sermonia. And take note, halos karamihan sa pulis na in-house actors sa Saludo ay mga guwaping, in pernes, ha? Kaya naman ang mga bading naming co-writers ay saludong-saludo sa kanila, sa true lang. Yessss, wa’ kyems!

-MERCY LEJARDE