MAGBIBIGAY ng kanilang ulat hingil sa programa ng dragon boat, motor sports at sa bagong liga na community-based ang sports officials na sina Jonne Go, Sam Tamayo at Carlo Maceda.

Ang mayuming si Go ang pangulo ng Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF), habang si Tamayo ang organizers ng motorcross series at ang dating actor na si Maceda ang pangunahing lider sa Community Basketball Association (CBA).

Ilalahad ng tatlo ang kani-kanilang programa sa gaganaping 8th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes (Enero 31) sa National Press Club sa Intramuros.

Makakasama ni Maceda para sa CBA, ang pinakabagong community-based basketball tournament na nagsimula nitong Enero 27 sa San Mateo, Rizal, sina CBA team owners Rinbert Galarde ng Malabon at Bong Africa ng Nueva Ecija.

Magbibigay naman ng update si Go at national team coach Len Escollante sa paghahanda ng PCKDF matapos ang matagumpay na kampanya sa ICF World Dragon Boat Championships sa Lake Lanier Olympic Park sa Gainesville, Georgia.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Inaasahan namang ipapahayag ni Tamayo ang ilalargang MX Messiah Fairgrounds Supercross Series na tatampukan nang dalawang pinakasikat na motorcross rider sa bansa -- Bornok Mangosong at Jaja Jao.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat, higit ang mga opisyal at miyembro ng pinakabagong media sports organization sa bansa na makiisa sa programa na nakatakda ganap na 10:00 ng umaga.