KAHIT walang masamang intensiyon at hindi sinasadya, napagkumpara ni dating Philippine National Police (PNP) at Bureau of Corrections (BuCor) Chief Ronaldo “Bato” Dela Rosa ang leading lady sa kanyang bioflick na si Beauty Gonzales kay Megastar Sharon Cuneta.

Bato copy

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Bato sa nasabing pagkukumpara, na nangyari sa presscon ng kanyang pelikula, ang Bato: The General Dela Rosa Story, nang mapag-isip-isip niya na baka ma-offend ang Megastar sa kanyang sinabi.

Saksi naman ang lahat ng nasa presscon na hindi sinasadyang maikumpara ni Bato ang katawan ng Megastar sa sexy figure ni Beauty, habang kaswal siyang nagkukuwento tungkol sa kanyang misis na si Nancy.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

Si Beauty ang gumanap na Nancy sa biopic ni Bato, na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Dati nang nababanggit ni Bato na si Sharon ang favorite actress ng kanyang misis, kaya naman natanong sa presscon kung bakit si Beauty ang napiling gumanap sa papel ng kanyang misis at hindi si Sharon.

“Totoo po na fan ni Sharon Cuneta ang misis ko. Pero nung makita niya si Beauty Gonzalez sa trailer, sabi niya, ‘Yan! ‘Yung presensiya ni Beauty Gonzalez justifies my pagkatao.’

“Noong bago kaming kasal,” napatigil si Bato sabay sulyap kay Beauty, “ganito ‘yung katawan ni misis, ngayon Sharon Cuneta [na],” aniya, habang iminumuwestra ang hugis ng katawan ni Megastar.

Nagtawanan nang malakas ang mga nasa presscon at kaagad na napatayo at nag-sorry si Bato nang mapagtanto niyang puwedeng ika-offend ni Sharon ang comparison niya rito at kay Beauty.

-ADOR V. SALUTA