Matapos makakuha ng pagkakataon na makapasok sa ONE World Flyweight Grand Prix, si  Danny “The King” Kingad ay naghahanda na makaharap ang mga magagaling sa division.

Nakapasok sa tournament si Kingad dahil sa panalo niya laban kay Tatsumitsu “The Sweeper” Wada sa ONE: HERO’S ASCENT sa Mall of Asia Arena noong Biyernes, Enero 25.

Isa sa pinakabata sa tournament, ang 23 anyos na si Kingad ay alam na ang Grand Prix ang tamang pagkakataon upang makabalik sa ONE Championship World Title contention

"I’m very excited to showcase my talent against the best in my division. My hard work paid off but this is just the beginning,” sabi ni Kingad.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“Expect me to double my efforts and to train harder now that I’m already part of the ONE Flyweight World Grand Prix," dagdag niya.

Kasama sa Grand Prix ang pound for pound King Demetrious “Mighty Mouse” Johnson pati ang ibang Flyweights  sa The Home Of Martial Arts.

Maliban kay Johnson, sina Reece McLaren, Yuya Wakamatsu at Kairat Akhmetov ay inaasahan ding kasama sa tournament at lumaban para makaharap si ONE Flyweight World Champion Adriano “Mikinho” Moraes.

"I'm looking forward to fighting the top talent and earning that world title. I think everybody has a right to earn their spot and I'm here to earn my spot,” sabi ni Kingad.

“I’ll do my best and give my everything at the ONE Flyweight World Grand Prix."