NANAWAGAN ang Autism Society of the Philippines (ASP) sa netizens na itigil ang pagsali sa pinakabagong social media experiment na tinatawag na “Boyet Challenge.”
Naging viral ang trend na ito nang sinimulan ng mga tao na gayahin si Boyet, ang karakter na ginagampanan ni Ken Chan sa GMA series na My Special Tatay.
Ginagampanan ni Ken ang karakter ng batang ama na may mild intellectual disability at mild Autism Spectrum Disorder.
Sa isang pahayag na inilabas ng organisasyon ilang araw na ang nakalipas, kinondena ng non-profit organization ang “Boyet Challenge,” at tinawag itong “thinly-veiled instrument of ridicule of those who live with autism and intellectual disabilities.”
Binanggit din ng ASP ang Republic Act 9442 na pumuprotekta sa persons with disabilities (PWDs) mula sa pangunngutya at pang-aalipusta at nagpapataw din ito ng multa at pagkakakulong sa mga lalabag.
“Kahit walang batas, makatao ba na pagtawanan ang mga kapatid nating may kapansanan? Huwag gawing kutya o katatawan ang pagkakaroon ng autismo,” nakasaad sa pahayag.
Inilunsad din ng grupo ang “#1bansa1pangako,” na nagde-demand ng katapusan para sa kaswal na paggamit ng “autistic” bilang isang uri ng insulto o biro.
“Let us promise to act to stop the derogatory use of the word ‘autistic’ and to promote the true acceptance and inclusion of Filipinos with disabilities. One simple promise can spur the change that may make life better for millions of Filipinos with autism,” dagdag pa ng ASP.
Samantala, umapela rin ang student council ng University of the Philippines’ College of Education sa Diliman sa publiko tungkol sa isyu.
“As educators, each and every Guro ng Bayan is one with the struggle of building a nation that is free from any form of hatred and discrimination. These kinds of internet experiment just defeat the purpose of such struggle,” lahad ng student council sa pahayag.
“Such depictions, if irresponsibly done, can be platforms for opportunistic clout and lame entertainment directed to the masses. Hence, we demand GMA Entertainment to carry on with their goal to empower by showing a proper portrayal of persons with disabilities in order to protect them from possibilities of vilification.”
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang iniisyung statement ang GMA o mga producer ng My Special Tatay hinggil sa isyu.
-REGINA MAE PARUNGAO