Patay ang isang pasahero habang 14 ang sugatan makaraan makasalpukan ng kanilang sinasakyan ang isang Fuso truck sa Barangay Calamunguin, Gumaca, Quezon, nitong Lunes ng umaga.

Dead on the spot si Hector B. Aguilar, nasa hustong gulang, driver, at residente ng Bgy. Gamak, Kawit, Cavite.

Sa ulat, dakong 1:40 ng umaga at binabagtas ng Toyota Hi-Ace van (VQ-4937) na minamaneho ni Diana Alagano, 22, assistant secretary at taga-Bacoor, Cavite ang Maharlika Highway nang mawalan siya ng kontrol sa manibela at sumalpok sa Fuso Reefer van truck (827653) patungong Bicol, na minamaneho ni Roderick Ablizo, 28, ng GMA, Cavite.

Dahil sa lakas ng impact, nasugatan ang mga pasahero ng van na sina Rona Omagap, 27; Rhea Benedicto, 27; Sabrina Clamor Lohan Benedicto, 6; Gelli Anne Lyca Morales, 28; Rose Ann Villarama, 33; John Francis Bello, 25; Rafael Hernandez, 3; Kateleen Lipar, 31; Sarah Dualan, 28; Sheila Vega, 23; Czeska Mei Tampok, 29; Normina Giray, 21; Ma. Angela Castillo, 30, at Stefanny Candare, 25 anyos.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

-Danny J. Estacio