PAPANSIN talaga ang isang youngstar na gumagawa ng pangalan ngayon, base sa kuwento ng mga katoto. Sa tuwing makikita kasi nila sa event ang dalaga ay kung anu-anong mannerism ang ginagawa nito para lang mapansin.
Kaya tinatanong kami ng mga katoto sa tuwing may event ang youngstar kung type namin siya, at iisa ang laging sagot namin: “Sakto lang, kasi hindi naman siya nag-e-exist sa kamalayan namin. Hindi naman kami close.”
May ilang pagkakataong nai-interview namin ang youngstar, at mukhang sincere naman siya sa mga sinasabi niya. ‘Yun lang, napansin naming maarte na siya, at tipong sinasadya pang mag-inarte.
Anyway, hindi naman din kami apektado, kasi nga hindi naman kami close. At hindi kami interesado sa kanya.
Heto na, tumatalak ang katoto namin kamakailan dahil naiirita siya sa youngstar. Nag-set kasi ng interview ang management ng dalaga na hindi naman niya ini-request, pero dahil trabaho naman, kaya go siya.
“Grabe, ang arte-arte, feeling sikat na. May mga tanong ako na ayaw sagutin nang diretso. Dapat daw ipaalam pa sa manager niya. Hello?! Buhkit, sino ba nag-request ng interview? Hindi siya makakatulong sa career ko no?” iritableng kuwento ng katoto.
Tawang-tawa naman kami dahil feeling nga siguro ng youngstar ay sikat na siya, dahil isa siya sa mga bida ng bagong teleserye.
“Ano ending ng interview mo?” tanong namin sa katoto.
“Nakasimangot ako at pinaramdam ko ‘yun kay (youngstar). At good luck kung ilalabas ko (ang artikulo tungkol sa interview), kasi wala akong commitment, ‘no?” diretsong sabi sa amin ng katoto.
-Reggee Bonoan