TSINEK namin ang Instagram (IG) ni Robin Padilla, wala pang reaction ang aktor sa komento ni Direk Carlitos Siguion-Reyna sa pagtanggap niya sa BATO: The General Ronald Dela Rosa Story. Ang nabasa pa lang namin ay ang sagot ni Robin sa panawagan na i-boycott ang nasabing na pelikula na showing na bukas, January 30, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Robin at Direk Carlitos

“May mga rebolusyonaryong nasa kabilang ibayo ang nais i-boycott ang pelikula ko dahil sa pulitika. Hindi ko alam kung saan nila natutunan na ang pagpigil sa paghahanapbuhay ng manggagawa ay pagiging isang makabayan.

“Napakalayo po ng pagitan ng industriya ng Pelikula at Entablado sa mundo ng Pulitika kahit na maraming artista ang nahuhumaling sa pulitika at napakarami ding pulitiko ang nahuhumaling sa mga artista at pag aartista.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Ang mga nasa likod po ng pelikula ay mga taong hindi palara! Sila’y hindi sumasamba sa piso at sila ay sobrang mga simpleng tao. Karamihan po d’yan ay self employed hindi mga regular sa madaling salita isang kahig isang tuka rin.

“Napakahirap po ng buhay pelikula wala pong pinakamahirap na trabaho at pinaka delikado kundi ang paggawa ng pelikula. Lahat po ng pagpapaganda gagawin para sa panlasa ng mga manonood. We always give our very best lalo sa paggawa ng pelikulang action.

“Pakiusap namin sa mga rebolusyonaryo sa kabilang ibayo mag-isip din kayo bago kayo umaksyon at magsalita dahil kilala niyo rin kung sino ang mga maliliit sa mundo natin. Kailangan nila ng trabaho mga kapatid sa pelikula hindi sila dapat maging biktima ng pulitika natin. Dahil sa totoo lang wala pa naman nagawang maganda ang pulitika natin sa kanila ano man ang partido kaya kung makapagbibigay tayo ng trabaho sa kanila bakit naman n’yo pipigilan?

“Ang pinakamainam nga ay himukin niyo si Trillanes o si Alejano na gawin din ang mga buhay nila para may mga tagapelikula na magkatrabaho at may maiuwi sa pamilya nilang suweldo.

“Ang pulitika ay hindi isang bagay na kikitil sa hanapbuhay ng isang manggagawa. Kapag naging ganyan ang prinsipyo at adhikain ng isang rebolusyonaryo kailan man hindi natin makakamtan ang tagumpay laban sa uring may mga kapangyarihan.

“Kung gusto ninyo ng laban hindi dapat tayo maghiwalay at maging daan para ang industriya ay malaglag. Fight for Labor law! Sama sama tayo!”

Nag-comment naman dito si Direk Joyce Bernal ng: “Bato bato sa langit! Ang tamaan, h’wag magalit.”

Heto ang post ni Direk Carlitos sa Facebook tungkol kay Robin at sa BATO na marami ang nag-comment at nag-share.

“If one makes a biopic about a candidate running in a upcoming midterm senatorial election, and promotes it for release five months before said election, a release which may or may not boost that candidate’s ranking to the top twelve in political surveys, do you call that “pelikula lang ito, walang politika”? It is evident that ALL of the above are political acts. Hindi “pelikula lang.” So its makers and promoters shouldn’t wonder how and why it is getting political reactions, including the audience’s decision to see it or skip it. Let the audience decide.”

Sinundan ito niya ito ng isa pang post at sabi niya: “At huwag kang hihingi ng paggalang sa project mo, kung ikaw mismo ang nagmamaliit sa kanya nang tawagin mo siyang ‘pelikula LANG’ ito.

“Anuman ang pagtingin mo rito, maging uri ng sining (art), pampaaliw (entertainment), propesiyon (occupation), o anupaman, ito ay kagalang-galang na gawain na kina-kareer- kung tunay mo siyang commitment at hindi karapat-dapat ituring na pelikula (o trabaho) ‘lang’.”

-NITZ MIRALLES