Isinailalim ng Philippine National Police sa full alert status ang buong puwersa nito sa Luzon kasama ang Metro Manila at Visayas upang maiwasan ang spillover ng magkasunod na pambobomba sa isang cathedral sa Jolo, Sulu nitong Linggo, na ikinasawi ng 20 katao, habang mahigit sa 100 ang nasugatan.

‘DI NAKALIGTAS Gamit ng stretcher, inalalayan ng mga miyembro ng Philippine Air Force ang kanilang sugatang kasamahan, kasama ang iba pang biktima ng pagsabog sa Jolo, nang lumapag sa Edwin Andrews Air Base, lulan ng military C-295 transport plane, sa Zamboanga City, kahapon. (EPA-EFE/LAURENZ CASTILLO)

‘DI NAKALIGTAS Gamit ng stretcher, inalalayan ng mga miyembro ng Philippine Air Force ang kanilang sugatang kasamahan, kasama ang iba pang biktima ng pagsabog sa Jolo, nang lumapag sa Edwin Andrews Air Base, lulan ng military C-295 transport plane, sa Zamboanga City, kahapon. (EPA-EFE/LAURENZ CASTILLO)

Sinabi ni Senior Supt. Bernard Banac,tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), na sa bisa ng alert status order, inaatasan ang lahat ng hepe ng pulisya na magpatupad ng kinakailangang preventive measures upang mapigilan ang mga kaparehong pag-atake sa kani-kanilang nasasakupan.

“The alert condition aims to ensure that no similar plans of terrorist groups will be carried out in other regions,” sabi ni Banac.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Sa ilalim ng heightened alert status, ang lahat ng hepe ng pulisya ay dapat na handa sa anumang banta sa seguridad, at dapat na 50 porsiyento ng mga tauhan nito ay magsasagawa ng mga kinakailangang preventive security measures.

“The heightened alert condition also called for intensified checkpoint operations and strict implementation of gun ban,” sabi pa ni Banac.

“Regional directors were instructed to initiate further security measures to preempt and prevent similar incidents to happen,” dagdag pa ni Banac. “Our regional directors were also given discretionary authority to raise alert conditions in their areas of responsibility as deemed necessary.”

Kasalukuyang napapailalim sa martial law ang buong Mindanao, simula noong Mayo 2017.

Kasabay nito, isinailalim sa total lockdown ang buong Jolo, batay sa napagpasyahan ng pinakamatataas na opisyal ng PNP.

“Nagbigay order ang NHQ [National Headquarters] para sa lockdown. Total lockdown sa Jolo, Sulu kaya makita natin walang tao at sarado ang mga tindahan,” sabi ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde, na nagtungo sa Jolo kahapon.

“Kapag nag-normalize, doon tayo mag-lower ng alert status,” aniya.

Sinabi naman ni Banac na hindi dapat katakutan ng mga taga-Jolo ang ipinatutupad na lockdown.

“It only means that we are intensifying our checkpoint operations. Those who will be coming and going out of Jolo proper will undergo further inspection and strict implementation of security measures. Aside from that, there’s really nothing anymore from the term lockdown but to put emphasis on the strict implementaion of security measures,” ani Banac.

Samantala, sinisilip na ng PNP ang posibilidad na nagkaroon ng kapabayaan sa pagpapatupad ng seguridad sa paligid ng cathedral nitong Linggo, gayung matagal nang nakatatanggap ng banta mula sa mga terorista ang nasabing simbahan.

Sa katunayan, ayon kay Albayalde, ito na ang ikawalong beses na inatake ang Jolo Cathedal.

“Some of these attacks in the past were grenade-throwing while some are assassinations of Church helpers. The priests (in Sulu) are constantly under threat ever since,” ani Albayalde.

Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) regional police, inaalam na nila kung nagkaroon ng kapabayaan sa ipinatutupad na seguridad sa simbahan.

“We are looking if there are lapses on the part of the PNP and the Armed Forces of the Philippines in securing the area. This will be part of the investigation,” sinabi ni Mjares nang kapanayamin sa DZMM.

-AARON B. RECUENCO at MARTIN A. SADONGDONG,

ulat nina Fer Taboy at Bella Gamotea