HANDA na ang Department of Education (DepEd) ng Dagupan City para sa pagsisimula ng National Festival of Talents (NFOT) ngayong araw, na inaasahang dadaluhan ng 3,500 delegado mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa isang panayam nitong Biyernes, ibinahagi ni Alfred Gonzales, DepEd-Dagupan spokesperson ng NFOT, ang paghahanda ng ahensiya para sa pagdiriwang, kabilang ang konstruksiyon at inspeksiyon ng mga tutuluyan ng mga delegado at ang probisyon ng materyales para sa kumpetisyon.

Ayon kay Gonzales, nasa kabuuang 17 elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod ang gagamitin bilang tutuluyan ng mga kalahok para sa festival, na magsisimula ngayong araw Enero 29 hanggang Pebrero 1.

Sinabi rin ng opisyal na nakapulong na ng DepEd-Dagupan ang Dagupan City Police, Public Order and Safety Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, at Red Cross - Pangasinan Chapter hinggil sa planong panseguridad upang masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“We have allotted at least two jeepneys for each billeting area that would take the participants to the contest venue, which will be in CSI Stadia, a university, and some more schools in the city,” dagdag pa niya.

Nagtalaga rin umano ang mga organizer ng medical station kung saan nakaantabay ang mga nurse sa mga paaralan, habang ang mga guro ng bawat paaralan ang aalalay sa mga estudyante o delegado, sa loob ng 24 oras sa apat na araw na festival.

Ininspeksiyon rin ng Bureau of Fire Protection at ng Dagupan City police, kasama ng ibang kaugnay na ahensiya, ang bawat paaralan para sa tiyak na kaligtasan ng mga delegado.

“A traffic rerouting scheme is in place while classes are suspended in private and public elementary and secondary schools in the city on the opening parade on January 29. Classes will resume in private schools on the following day but the suspension will continue in public schools as the teachers will assist during the duration of this national event,” pahayag pa ni Gonzales.

Layunin ng NFOT na itampok at ipakita ang galing at talento ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Ngayong taon, kabilang sa itatampok ng NFOT ang Technolympics para sa technology and livelihood education at technical-vocational livelihood, Special Program sa Foreign Language, Pambansang Tagisan ng Talento para sa Filipino, National Population Quiz at On-the-Spot Skills Exhibition in Population Development (PopDev), Sining Tanghalan para sa Musika at Sining, at pagsulat ng kanta at choral group competition.

Sa ulat ng Dagupan City Information Office, ito ang unang beses na makikilahok sa NFOT ang mga mag-aaral na may kapansanan at mga out-of-school youth, bilang bahagi ng tema ngayong taon na “Celebrating Diversity through the performance of Talents and Skills for Sustainable Inclusive Education”.

PNA