Masaganang buhay ang handog ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa isang masuwerteng tumaya sa Superlotto 6/49 mula sa Navotas City, na nakatsamba sa P15,840,000 jackpot prize nitong Linggo ng gabi.
Kasama sa mga nag-uwi ng premyo ang apat na mananaya, na nakakuha ng limang tamang numero at nagwagi ng P70,000 bawat isa.
Nasa 466 naman ang nakakuha ng apat na tamang numero at nanalo ng P1,110, habang 10,433 ang nanalo ng tig-P20 sa tinayaang tatlong tamang numero.
Ayon kay PCSO General Manager Alexander F. Balutan, ang nanalong ticket na may kumbinasyong 11, 41, 03, 20, 47 at 22 ay binili sa lotto outlet sa Dagat-Dagatan, Navotas City.