Epektibo pa rin ang umiiral na batas militar sa Mindanao sa kabila ng kambal na pagsabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu nitong Linggo, inihayag ng Malacañang kahapon.

Dinepensahan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang ipinatutupad na martial rule sa Mindanao, at sinabing ang insidente sa Jolo ang nagbigay ng “more reason” para panatilihin ang batas sa katimugan.

“They are saying that despite martial law, there has been bombing and therefore martial law should be lifted. With more reason martial law should in place because if you can do it under a martial law regime, then the more reason you should maintain it and be more strict in the implementation of security measures in that area,” pahayag ni Panelo sa news conference sa Palasyo.

Nagbabala rin si Panelo na magkakaroon ng “chaos and anarchy” kung hindi idineklara ang martial law sa rehiyon.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Binanggit din niya na ang pambobomba sa Jolo ay isolated case, at “too little” umano ito para sabihing hindi epektibo ang pagpapatupad ng martial law.

“The fact alone there is only one incident of bombing for the last one year plus, that means martial law is effective. Can you just imagine how many bombings there would have been if there was no martial law there in operation?” aniya.

“If there was no martial law there, there would be chaos and anarchy there. You see how they were able to get Marawi? There was no martial law then,” dagdag pa ni Panelo.

Dalawang malakas na pagsabog ang yumanig sa isang simbahan sa Jolo nitong Linggo, na nagresulta sa pagkamatay ng 20 katao at pagkasugat ng maraming iba pa.

Naganap ang pagsabog bago pa man isagawa ang pagdinig sa Korte Suprema hinggil sa validity ng ikatlong extension ng martial law sa Mindanao.

Mayo 2017 nang nagdeklara ng martial law si Pangulong Duterte sa Mindanao nang salakayin ng Maute-ISIS, sa tulong ng mga dayuhang terorista, ang Marawi City, Lanao del Sur.

-Genalyn D. Kabiling