Misal, umabot sa Round-of-16; agaw-pansin sa World Championship of Pingpong

OLYMPICS kay Yan-Yan Lariba. Hindi naman nagpaaba si John Russel Misal sa World Championship.

HINDI man naging kampeon, pinabilib ni Russel Misal sa magilas na istilo ang mga tagahanga na nagtiyagang pumila para makakuha ng kanyang autograph

HINDI man naging kampeon, pinabilib ni Russel Misal sa magilas na istilo ang mga tagahanga na nagtiyagang pumila para makakuha ng kanyang autograph

Pinalalim ni John Russel Misal ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang naukit na kasaysayan ni Lariba at mga naunang henerasyon ng Pinoy table netter sa Philippine table tennis nang makapasok sa Round-of-16 sa prestihiyosong World Championship of Pingpong nitong weekend sa pamosong Alexandra Palace sa London, England.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Laban sa local favorite na si Chris Doran ng England sa Round-of-16, higit na lumakas ang loob ng 22-anyos na si Misal bunsod ng suporta ng crowd, ngunit sadyang mas magilas ang karibal na humirit ng 15-10, 15-4 panalo (2-0).

Umani ng atensyon si Misal sa local crowd nang gapiin ang liyamado at crowd-favorite Ashley Stokes sa come-from-behind win, 2-1, (10-15, 15-9 at 15-8).

“Nakakataba ng puso, we’re so proud sa inabot ni Russel (Misal) at ang maganda nito, suportado siya ng crowd. He was even they’re favorite after winning a tough match kay Stokes,” pahayag ni dating TATAND president Philip Uy, sumubaybay sa mga laban ni Misal sa pamamagitan ng Live Streaming.

Kahanga-hanga ang performance ng dating UAAP Most Valuable Player, na naging dahilan upang maisama ng TV producers at event organizers ang kanyang mga laban sa live telecast. Matapos ang laban kay Stokes, hinahabol si Misal ng mga tagahanga para sa kanyang authograph.

“Mahiyain ‘yan (Misal) hindi sanay sa mga fans,” pabirong pahayag ni Uy, isa sa pribadong indibidwal na naglaan ng tulong para sa kampanya ni Misal sa taunang torneo.

Nagbigay din ng suporta ang Joola, DTC Promotions at si Dr. Emilio Yap III.

Matapos mabigo sa opening match kontra Kristof Zakar ng Hungary, nadomina ni Misal ang sumunod na mga karibal na sina Isaak Abramov ng Israel (15-5, 15-11) at ang local favorite na si Ashley Stokes (10-15; 15-9, 15-8) para makausad sa Round of 16.

Bunsod nito, nalagpasan ni Misal ang top 32 campaign sa nakalipas na edisyon.

Sa kabila ng kakulangan sa suporta at atensyon, nakapagtala ang Pinoy table netter nang impresibong kampanya sa World stage tulad nina Ernesto Ebuen na nagwagi ng silver medal (2011), Richard Gonzales na sumungkit ng bronze (2014) at top 8 noong (2017) at Julius Esposo na umabot sa Round-of-Of-16 (2017).

Nakuha ni Misal ang pagkakataon na muling maging kinatawan ng bansa sa World Championship nang gapiin si Jun-Jun Custodio sa Philippine Qualifying Tournament.

Sa 2016 Olympics sa Rio de Janiero, Brazil, tinanghal na kauna-unahang Pinoy si Lariba na nakalaro sa quadrennial meet nang magkwalipika sa pamosong torneo mula sa pagsabak sa international tournament.

Hindi pinalad ang undefeated UAAP champion nang mabigo sa preliminary round kay Han Xing ng Congo.

Matapos ang isang taon, natigil sa National Team si Lariba nang ma-diagnosed sa sakit na leukemia. Binawian siya ng buhay sa nakalipas na taon.

Nakamit ni Englishman Andrew Baggaley ang ikatlong kampeonato sa men’s single ng taunang torneo nang gapiin si Wang Shibo 15-10, 12-15, 15-8, 10-15, 15-6.

-Edwin G. Rollon