Si Kevin “The Silencer" Belingon at Bibiano “The Flash” Fernandes ay magdadagdag ng firepower sa promotional debut ng ONE Championship sa Japan.
Dedepensahan ni Belingon ang kanyang ONE Bantamweight World Title laban kay Fernandes sa pagtatapos ng kanilang trilogy sa ONE: A NEW ERA na gaganapin sa Ryogoku Kokugikan, Tokyo sa Marso 31.
Ang ONE Championship Chairman at CEO Chatri Sityodtong ay inanunsiyo ang laban sa social media noong weekend.
“I am excited to present the trilogy fight between current ONE Bantamweight World Champion Kevin Belingon and former ONE Bantamweight World Champion Bibiano Fernandes for March 31 in Tokyo,” sabi ni Sityodtong.
Ito ang magiging unang beses na depensahan ni Belingon ang kanyang titulo at sa kalaban pa na kilalang kilala niya.
Ang dalawa ay unang nagkaharap noong 2016 nang napasuko ni Fernandes si Belingon sa unang round pa lamang. Sa tatlong taon na may pitong panalo, nakabawi rin si Belingon nang makuha niya ang ONE Bantamweight World Title sa isang close split decision sa ONE: HEART OF THE LION sa Singapore noong Nobyembre.
“Without a doubt, it will be another epic war with big fireworks for the final chapter between two of the world’s greatest martial artists,” dagdag ni Sityodtong.
Apat na World Titles ang paglalabanan sa pinakamalaking laban na pangungunahan ng rematch nina
ONE Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang at Shinya “Tobikan Judan” Aoki.
ONE Women’s Atomweight World Champion Angela Lee will be taking on ONE Women’s Strawweight World Champion Xiong Jing Nan in a battle between two of the best women in the world’s largest martial arts organization.
Si ONE Women’s Atomweight World Champion Angela Lee ay kakaharapin si ONE Women’s Strawweight World Champion Xiong Jing Nan sa isang laban sa pinakamalaking martial arts organization.
Ang two-division ONE World Champion Aung La N Sang ay dedepensahan din ang kanyang middleweight title laban sa Japanese contender na si Ken Hasegawa.