NAGTATANONG ang netizens kung may relasyon na ba sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa dahil sa ipinost na picture ng aktor kasama ang beauty queen host. Nasa department store ang dalawa at obvious na nagsa-shopping.

Jake at Kylie

Hindi ‘yun ang unang sightings kina Jake at Kylie dahil nakita na sila sa ibang okasyon. Natsismis pa ngang naghahanap daw sila ng mabibiling condo unit dahil nakita sila sa isang condominium.

Anyway, kilala si Jake na hindi itinatago kapag nagkaka-girlfriend, kaya malalaman din ng lahat kung sila na ni Kylie. Sa ngayon, nasa ligawan stage pa lang yata ang dalawa, kaya hayaan muna natin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

-Nitz Miralles