POSIBLENG iutos ng World Boxing Association kay regular featherweight champion Xu Can ng China na harapin si Jack Tepora na nabigong makalaban kay Mexican Hugo Ruiz bunsod ng labis na timbang.

Tinalo ni Can via 12-round unanimous decision si Rojas upang maging ikatlong world champion ng China kamakalawa ng gabi sa Toyota Center sa Houston, Texas sa United States.

Naunang nabigo si Tepora na makuha ang timbang sa nakatakda niyang depensa kay Ruiz ngunit nanatili siyang interim WBA 126 pounds titlist sa pakiusap ni international matchmaker Sean Gibbons sa WBA kaya maaaring hamunin niya si Can para sa unification bout.

Nagwagi si Can laban kay Rojas sa mga iskor na 116-112, 117-111 at 118-110 sa kanyang ikalawang laban sa US at handa siyang harapin si Tepora.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ikalawang sunod na laban ito ni Can sa US makaraang magwagi kay Mexican journeyman Enrique Bernache noong Setyembre 13, 2018 sa 8-round split decision sa Las Vegas, Nevada.

“I trained very hard for this, trained for a very long time,” sabi ni Can Chris Mannix ng DAZN. “Rojas is very tough, but I came here knowing that I would win this fight.”

“My power is from China. It was for my country,” pagyayabang ni Can na napaganda ang kanyang kartada sa 16 panalo, 2 talo na may 2 pagwawagi lamang sa knockouts. “I know I can (take) his punch. His punch is very strong, but I was able to defend it.”

Ngunit hindi tiyak kung may ibubuga siya kung makakaharap sa unification bout si Tepora na natamo ang interim WBA title sa pagpapatulog sa 9th round kay Mexican Edivaldo Ortega noong Hulyo 15, 2018 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nabigo ang 23-anyos at tubong Cebu City na si Tepora na makuha ang timbang sa kanyang depensa kay Ruiz na nilabanan at nagwagi sa kababayang si Alberto Guevarra sa loob ng 10 rounds.

Sa ngayon, gustong magbalik ni Tepora sa featherweight division at puwede niyang hilingin sa kanyang manedyer at promoter na si eight-division world champion na labanan si Can bago hamunin si WBA featherweight “super” titlist Leo Santa Cruz na magdedepensa sa kababayang si Rafael Rivera sa Pebrero 16 sa

Microsoft Theatre sa Los Angeles, California.

-Gilbert Espeña