HANDA na ang lahat para sa pagsasagawa ng Batang Pinoy Mindanao Leg sa Pebrero 2-9 sa Tagum City Davao del Norte.

Inaasahang dadalo si Davao City Mayor at Presidential daughter Sara Duterte sa opening ceremony na gaganapin sa Davao del Norte Sports Complex bilang panauhing pandangal.

Kabuuang 3,500 atleta ang inaasahang lalahok sa premyadong grassroots sports program ng pamahalaan na bukas maging sa mga out-of-school youth. May kabuuang 20 sports ang paglalabanan sa torneo.

“We are very happy na matuloy ito. And of course we are thankful sa mga LGUs natin,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Siniguro ng PSC na gagawin ng mas maaga ang Batang Pinoy upang maiwasan sa panahon ng tag-ulan na naranasan sa mga nakalipas na edisyon.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Ang susunod na Batang Pinoy Leg ay magaganap naman sa Iloilo City para sa Visayas leg sa Pebrero 23 hanggang Marso 2 habang ang Luzon Leg naman ay magaganap sa Ilagan Isabela sa darating na Marso 16 hanggang 23.

Posible naman na sa mga lalawigan ng Tagbilaran Bohol at Ormoc City sa Leyte ang maging host para sa National Finals na magaganap sa Oktubre.

-Annie Abad