PATIN-AY, Prosperidad, Agusan del Sur - Daan-daang pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation center, makaraang salantain ng baha ang tatlong bayan sa Agusan del Sur, dulot ng malakas na ulan na epekto ng tail-end of cold front.

Sa ikalawang situation update report kahapon, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD)- Region 13 Director Mita Chuchi Gupana- Lim na nasa kabuuang 500 pamilya o 2,074 indibiduwal ang kasalukuyang nasa 13 evacuation center sa mga bayan ng Sta. Josefa, Veruela, at Trento.

“However, the exact number of families staying inside the 7 evacuation centers in Veruela town is still to be determined since the local government unit (LGU) in that municipality is still accounting and validating the number of individuals staying inside the evacuation centers,” ani Lim.

Aniya, mahigpit na nakikipagtulungan ang DSWD 13 Field Office sa mga apektadong bayan para sa kakailanganing suporta mula sa kagawaran.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Patuloy din ang pagbabantay ng DSWD 13 sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division, sa lagay ng panahon at nakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan, rescue teams, local social welfare, development offices at local DRRMCs para sa regular updates sa sitwasyon at sa kanilang disaster response operation.

“The DSWD 13 Field Office will continuously provide augmentation assistance to the affected families in the said three municipalities of Agusan del Sur province,” dagdag ni Lim.

Naglaan naman ng kabuuang P16,330 halaga ng tulong ang pamahalaang bayan ng Sta. Josefa sa bawat apektadong pamilya.

Tumutulong na rin ang pamahalaang panglalawigan ng Agusan del Sur sa mga binaha.

“We are already mobilizing our social welfare personnel and rescue teams to assist the victims of flash floods in said towns,” ani Lim.

-MIKE U. CRISMUNDO