Nagkasya sa mahigit sampung truck ang basurang nakolekta sa pagsisimula kahapon ng Manila Bay rehabilitation project, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nakuha ng mga nakilahok sa clean-up drive ang nasa 45.59 tonelada, o 11 truck ng basura.

Batay sa ulat, nagtipun-tipon sa Quirino Grandstand sa Rizal Park ang nasa mahigit 5,000 katao, na binubuo ng mga empleyado ng pamahalaan at mga volunteers na nakiisa sa paglilinis ng Manila Bay.

Bilang bahagi ng event, isinara simula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga ang Roxas Boulevard southbound lane mula sa Katigbak Drive patungong President Quirino Avenue.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, nasa 1,000 emleyado ng MMDA ang tumulong sa pangongolekta ng mga basura sa baybayin ng Manila Bay.

Nagsagawa rin ang Solid Waste Management Office ng ahensiya ng house-to-house flyer distribution at maikling discussion sa mga residente hinggil sa waste segregation upang mabawasan ang mga basura na napupunta sa Manila Bay.

-Jel Santos