SUNUD-SUNOD ang blessings na natatanggap ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes—ang latest, kinilala siyang Best TV Program Host para sa The Amazing Earth, sa GEMS Hiyas ng Sining Awards.

Dingdong copy

Overwhelmed si Dingdong sa natanggap na award dahil nasa second season pa lang sila ng newest infotainment program ng GMA Network.

Nagsimulang umere noong Hunyo 17, 2018, ipinakikita sa show ang kagandahan ng ating mundo, mula sa mga hayop hanggang sa magagandang lugar. Hahangaan ninyo ang mga pagsasaliksik na ginagawa ng show at ang mahusay na direksiyon ni Rico Gutierrez.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kahit si Dingdong, humahanga raw siya kapag napapanood na niya kung ano ang episode na ipalalabas nila, at siya rin ang personal namang pumupunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, umaakyat sa matataas na bundok para sa show, at marami raw siyang natutuklasan.

Kaya kahit may isa pa siyang show sa GMA 7, ang Cain at Abel, na kasama niya si Dennis Trillo, hindi problema sa kanya ang pagte-taping ng segments ng The Amazing Earth.

“Labis-labis po ang aking pasasalamat sa bumubuo ng GEMS Hiyas ng Sining sa pagkilala ninyo sa aming ibinabahagi sa mga manonood every Sunday,” sabi ni Dingdong. “Dahil dito lalo naming ibibigay ang mga magagandang bagay sa ating mundo.”

Ang The Amazing Earth ay napapanood sa “Sunday Grande” ng GMA 7, after ng 24 Oras Weekend.

Ang action-drama series namang Cain at Abel ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon