Nasa 20 indibiduwal ang namatay at 81 ang sugatan matapos ang magkasunod na pagsabog sa kasagsagan ng misa sa Jolo Cathedral sa Sulu ngayong Linggo ng umaga, ilang araw matapos ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law na tinutulan ng probinsiya.

BINOMBA HABANG MAY MISA Wasak ang mga gamit ng Jolo Cathedral sa Sulu matapos ang magkasunod na pagsabog sa loob at labas ng simbahan, na ikinamatay ng mahigit 20 katao, at ikinasugat ng halos 80 iba pa, sa kasagsagan ng misa ngayong Linggo ng umaga.

BINOMBA HABANG MAY MISA Wasak ang mga gamit ng Jolo Cathedral sa Sulu matapos ang magkasunod na pagsabog sa loob at labas ng simbahan, na ikinamatay ng mahigit 20 katao, at ikinasugat ng halos 80 iba pa, sa kasagsagan ng misa ngayong Linggo ng umaga.

Sa inisyal na police report mula sa Regional Field Unit of the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-RFU 9), dalawang improvised explosive devices (IEDs) ang sumabog sa Jolo Cathedral, bandang 8:28 ng umaga.

Sa ulat, sa 20 nasawi, lima ang miyembro ng Philippine Army habang 15 ang sibilyan. Sa 81 sugatan, 65 ang sibilyan, 14 ang sundalo at dalawang pulis.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinondena ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde ang insidente at ipinag-utos ang masusing imbestigasyon.

"The Chief PNP has already ordered for the conduct of a thorough investigation on this incident to ensure the immediate arrest of the suspects," pahayag ni Senior Supt. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP.

"We extend our sympathy to the families of the victims and we will ensure that all possible assistance to the families will be given," aniya.

"We assure the bereaved family and their relatives that we will ensure that justice wil be served in the soonest time possible," dagdag niya.

Umapela rin si Banac sa mga tao sa Sulu at iba kalapit na lugar na manatiling kalmado at alerto.

Ayon kay Albayalde, sa loob at labas ng Jolo Cathedral naganap ang pagsabog.

"Sa may Jolo Cathedral nangyari itong dalawang explosions, isa sa loob at isa labas. May pagitan na more or less na isang minuto itong pagsabog na ito," ani Albayalde.

Patuloy na inaalam ang motibo sa insidente.

Gayunman, naganap ang insidente matapos na ratipikahan ang BOL nitong Biyernes ng gabi, na inayawan ng Sulu sa pagtatatag ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), hindi inaprubahan ng Sulu ang BOL sa botong 163,526 na "No" kumpara sa 137,630 "Yes".

"Wala pa po talaga silang napi-pinpoint na anggulo. Tinitingnan po yung iba't ibang threat groups doon sa lugar na 'yon at hindi pa rin naman nila masabi kung ito ay may kinalaman sa katatapos na plebisito o wala," pahayag ni Albayalde.

Martin A. Sadongdong