Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga gustong mag-volunteer para sa paglulunsad bukas, Enero 27, ng Manila Bay rehabilitation project, na layuning isulong ang volunteerism at kamulatan sa malasakit sa kalikasan.

PAGLILINIS, SIMULA NA Pinasan ng bata ang nakababata niyang kapatid habang pababa sila sa dalampasigan ng Manila Bay, kahapon. Sisimulan na ngayong Linggo, Enero 27, ang rehabilitasyon ng Manila Bay. JANSEN ROMERO

PAGLILINIS, SIMULA NA Pinasan ng bata ang nakababata niyang kapatid habang pababa sila sa dalampasigan ng Manila Bay, kahapon. Sisimulan na ngayong Linggo, Enero 27, ang rehabilitasyon ng Manila Bay. JANSEN ROMERO

Sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), magsasama-sama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, stakeholders, environmentalists, at volunteers sa paglulunsad ng Manila Bay rehab.

Umapela naman si MMDA Chairman Danilo Lim sa mga taga-Metro Manila at mga karatig-lugar na makiisa sa paglilinis sa Manila Bay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ito ay kick-off activity ng mas mahaba at malawakang rehabilitasyon para mapanumbalik ang ganda ng Manila Bay,” ani Lim.

Nasa 1,000 kawani ng MMDA ang makikiisa sa coastal clean-up, na sisimulan sa Manila Yacht Club hanggang sa US Embassy.

Magtitipon ang lahat ng kalahok sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa ganap na 6:00 ng umaga para isang solidarity walk patungong Baywalk, bandang 7:00 ng umaga.

Bukod sa paglilinis sa dalampasigan, layunin din ng aktibidad na turuan ang publiko, partikular ang mga nakatira sa paligid ng lawa, sa tamang pagtatapon ng basura, para hindi na ito umabot pa sa Manila Bay.

Bella Gamotea