LABIS ang pasasalamat ni Gelli de Belen na pagbalik niya sa GMA Network ay nagsunud-sunod din ang mga projects niya, sa telebisyon at pelikula.
Siyempre pa ay hindi niya malilimutan ang afternoon prime drama series nilang Ika-5 Utos with Jean Garcia and Valerie Concepcion, na aktingan at pisikalan ang ginagawa nilang tatlo. Ilang beses na rin siyang nag-guest sa iba pang Kapuso shows, tulad ng Tadhana at Sarap ‘Di Ba?.
Ngayong Saturday, siya ang tampok sa episode ng Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco, pagkatapos ng Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza.
Isa pang ikinatuwa ni Gelli, ‘yong after 21 years na pagsasama nila ng asawang si Ariel Rivera ay ngayon lang sila muling nagtambal sa pelikula. Ang last nila ay noon pang 1997, sa Ikaw Pala Ang Mahal Ko, pero hindi pa sila mag-asawa noon.
Isang romantic comedy ang movie nila na Ang Sikreto ng Piso, na idinirek ni Perry Escaño at showing na sa Wednesday, January 30. Ikinatuwa naman ni Ariel na for the first time ay nakagawa siya ng isang comedy project, na hindi raw niya naranasan sa ilang taon na niyang paggawa ng teleserye sa GMA man o sa ABS-CBN.
Sina Gelli at Ariel ang magandang halimbawa ng mag-asawa na wala kang narinig na nag-away o nagbantang maghihiwalay. Kuwento ni Gelli, hindi raw kasi sila nag-aaway ni Ariel, basta mahilig lang silang tumawa, kahit daw corny ang mga biruan nilang mag-asawa. Kaya naman mukha pa silang mga bata sa age nila.
Dalawa lang ang anak nina Ariel at Gelli, si Joaquin, 20 years old; at si Julio, 18 anyos. Parehong nag-aaral sa Toronto, Canada ang mga anak nila at twice or thrice a year, dinadalaw nila roon.
Kababalik nga lang nila from a Christmas holiday sa Toronto at sabak na rin sila agad sa trabaho. Lalo na si Gelli, dahil nasa last three weeks na ang Ika-5 Utos, na idinidirek ni Laurice Guillen at napapanood sa GMA 7 daily after ng Asawa Ko, Karibal Ko.
-NORA V. CALDERON