PANAHON na upang magkaroon ang mga ospital sa central Visayas, na pinatatakbo ng pambansa at probinsiyal na pamahalaan, ng isang common machine para sa treatment pathogenic waste materials.

Ito ang sinabi ni Department of Health (DoH) 7 (Central Visayas) director Dr. Jaime Bernadas kamakailan.

Ayon sa opisyal, iminungkahi na ng DoH-7 sa central office ang pagbili ng mga makina na kakayanin ang arawang produksiyon ng mga basura na nagmumula sa mga ospital na pinapatakbo ng DoH at ng probinsiyal na pamahalaan.

“Although the machine may not be easy to procure because it is costly, we need it because I see that there is also a need to protect our environment,” pagbabahagi ni Bernadas, sa isang panayam sa radyo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Aniya, hindi na kinakaya ng mga pribadong service providers ang bulto ng araw-araw na basura na inilalabas ng mga pribado at pampublikong ospital.

“Under our health facility enhancement program, we will assist our national (government) and private hospitals (in) their waste disposal,” paiwanag ni Bernadas.

Pagbabahagi ng direktor, bawat isang ospital ay naglalabas ng 500 hanggang 1,000 kilo ng dumi kada buwan.

May anim na ospital ang nasa pamamahala ng pamahalaan sa pamamagitan ng DoH, aniya.

Aminado naman ang regional health director na maraming ospital ang nagnanais na matayo ng isang hospital waste treatment facility, ngunit hindi ito maisakatuparan dahil sa halaga ng mga makina.

Dahil naman sa bulto ng basura mula sa mga pribado at pampublikong ospital, hindi na makayanan ng mga pribadong kontraktor na pamahalaan ang koleksiyon at paglilinis sa mga kagamitan na inilalabas ng ospital.

Nitong Huwebes, inanunsiyo ni Department of Environment and Natural Resources-Central Visayas (DENR) 7 director Gilbert Gonzales na plano nilang inspeksyunin ang mga waste management at treatment facilities sa lahat ng mga resort, hotel at malls sa buong rehiyon.

Ang aksiyong ito ng DoH ay tugon makaraang maharap sa P250,000 multa ang Davao City Environment Care Inc. ng Environmental Management Bureau 7 nang madiskubre ang mahigit 100 kilo ng basura mula sa mga ospital na nakalutang sa baybayin ng Mactan Island.

PNA