MALAKI ang kinikita ni Joross Gamboa dahil sa bigote at balbas niya, kaya naman hindi niya ito maipatanggal kahit gusto niya.

Joross

Biniro kasi namin ang aktor nang makita namin sa promo ng ‘TOL movie nila sa Kapamilya Chat, kasama sina Ketchup Eusebio at Arjo Atayde.

“Mukha kang Arabo, nawawala ang kaguwapuhan mo dahil sa bigote mo,” bati namin sa kanya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Natawa naman si Joross.

“Oo nga, eh. Hindi ko puwedeng tanggalin kasi may project. Naiinis na nga sa akin asawa ko kasi hindi ko mahalikan ang mga anak naming, kasi baka magka-rashes sila,” saad ng aktor.

Kasi nga, isa siya sa main kontrabida ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Tanggol.

“Kailangan kasi kontrabida, so wala akong choice,” sabi pa ni Joross.

Going back to ‘TOL, talagang hindi pinalampas ni Joross ang pelikula, lalo na nu’ng nalaman niya kung sino ang mga kasama at direktor.

“The fact na sinabing kasama sina Ketchup at Arjo, naisip ko masaya ‘to. Plus si Direk Miko (Livelo) pa ang direktor at sumulat ng script kaya alam ko masaya, at saka lahat kami magkakaibigan,” kuwento ni Joross.

Kuwento rin ni Direk Miko, sa tatlong bida niya ay si Joross “para sa akin, siya ang magaling, kasi siya lang ‘yung hindi nawawalan ng energy sa set.”

Sadyang makulit daw ang aktor, maski wala sa harap ng camera.

Maging ang nag-iisang leading lady ng ‘TOL na si Jessy Mendiola na pinag-aagawan nina Dimitri (Joross), Lando (Arjo), at Arthur (Ketchup) ay kakaiba raw ang energy ng aktor.

“Si Joross, grabe siya! Para siya laging lasing. ‘Yung mga eksena, magugulat kayo, may mga eksena na nagugulat ka na lang, kasi siya na lang ang gumagawa,” sabi ni Jessy.

Samantala, may kasabihan na kapag komedyante ang asawa ay malaking factor ito sa pagsasama, dahil laging napapangiti ang asawa.

“Oo naman, malaking bagay ‘yun,” mabilis na sabi ni Joross.

At karamihan din sa mga komedyante ay babaero, totoo ba? Natawa ang aktor at hindi naman niya itinanggi na noong bago pa lang ay may mga kalokohan siya, pero ngayon ay hindi na.

“Alam na niya kapag lumiliit ang boses,’ yung parang duwende na ‘yung nagsasalita, alam na niya. ‘Sino yung kasama mo roon sa ano?’ (Sagot ko) ‘Ewan ko, ‘di ko alam (‘pag)’ pinapaliit ko na ang boses. Alam na niya (misis).

“Ngayon, hindi na (maloko). Sampung taon na rin kami ng asawa ko, alam na niya kapag nagpapalusot ako, eh. Pinatatawa ko na lang!” nakangiting kuwento ni Joross.

Mapapanood na ang ‘TOL sa Miyerkules, handog ng Reality Entertainment, mula sa direksiyon ni Miko Livelo.

-Reggee Bonoa