PORMAL nang inaprobahan ng Philippine SEA Games Orgnaizing Committee (PHISGOC) ang sports na Polo bilang karagdagang sports discipline para sa hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ikinatuwa namang ng pamunuan ng United Polo Players Associations (UPPA) ang nasabing balita, gayung matagal na nilang inaasam na maging bahagi ng biennial meet ang nasabing sports.

Ayon kay 1-Pacman representaive Mikee Romero at siya ring chair Emiretus ng nasabing National Sports Association (NSA), hindi nabale-wala ang kanilang pagpupursigi na makasama sa nasabing kompetisyon.

Unang nagpahiwatig ng kanilang interes ang UPPA na mapabilang sa biennial meet noong Oktubre ng nakaraang taon, bagama’t hindi naging malinaw ang pag-asa na makasama sa 11-nation meet, ay pursigido pa rin ang asosasyon na maging bahagi ng hosting ng Pilipinas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Target ng POLO na makuha ang nakalaang tatlong gintong medalya para, bilang 56th events para sa nasabing biennial meet.

“Hopefully we can produce the first gold and set things in motion for Team Philippines ,” pahayag ni Romero.

Ang UPPA ay naitayo noong lamang nkaraang taon, 2018, matapos na payagan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mag opisyales nito na maghost ng international Polo event sa bansa.

Ito ay pinamumunuan bukod ni Rep. at GlobalPort Batang Pier owner na si Romero, pati na ni Toti Garcia bilang presidente, na anak ng dating PSC chairman na si Richie Garcia.

Hindi naman napabilang sa sports calendar ang equestrian na pinamumunuan ni dating POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

-Annie Abad