Dear Manay Gina,

Pinatangos ko po ang ilong ko dahil matagal ko na itong pangarap. Very dramatic po ang pagbabago ng aking mukha kaya ‘yung ibang kaibigan ko ay hindi ako nakikilala agad. Sa kabila ng maraming papuri, may ilan pong nagtatanong kung kailan ko ‘pinagawa ang pagpapatangos ng ilong. Hindi ko naman balak na ilihim ito pero ang pananaw ko, ang bagay na ito ay personal na desisyon na hindi ko na kailangang ipaliwanag pa. Nako-conscious na po ako sa reaksiyon ng iba tungkol sa pagtangos ng ilong ko. Ano ba ang magandang reaksiyon ‘para matapos na ang mga tanong nila sa itsura ko?

Lenny

Dear Lenny,

Ang totoo, hindi mo naman kailangang ipaliwanag sa iba ang anumang ginawa mo para mas gumanda ang iyong pisikal na itsura. Pero kapag may nangungulit, puwede namang ngumiti ka na lang at ‘wag nang kumibo pa kapag sila ay nagtanong.

Pero kung talagang nag-iba ang iyong itsura, at para matapos na rin ang lahat ng pag-uusisa, wala namang masama kung aaminin mong nagpatangos ka nga ng ilong dahil gusto mong mas gumanda ang iyong itsura. Natural lang sa tao ang magnais na gumanda. At kung wala ka namang sinaktan para gawin ito, at masaya ka sa naging resulta, wala kang dapat ikahiya.

Nagmamahal,

Manay Gina

“Gratitude is the best attitude.” -- Anonymous

Send questions to dear. [email protected]

-Gina de Venecia