Lahat ng ‘di mabibilang na oras at pagod sa gym ay naguumpisa nang lumabas ang resulta para kay Robin “The Ilonggo” Catalan.
Ang 29 anyos Muay Thai specialist ay patuloy na ipakita ang kanyang malaking pagbabago sa ONE Championship, nang matalo niya si Stefer “The Lion” Rahardian via unanimous decision sa ONE: ETERNAL GLORY noong Sabado, Enero 19. Ito ang kanyang pangatlong panalo sa apat na laban
Napatahimik ni Catalan ang madla sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia noong Sabado nang matalo niya si Rahardian.
“No doubt my victory was the result of my hard work and will to win,” sabi niya.
“I trained almost every day to sharpen my tools inside the cage. We were able to do all the things that we planned heading [into] that bout and executed them perfectly.”
May malaking lamang si Catalan dahil sa kapatid niyang si Rene “The Challenger” Catalan.
Ang pinakamatanda sa magkakapatid na Catalan ay alam ang lahat tungkol kay Rahardian dahil siya ang pinakaunang nakatalo sa Indonesian strawweight sensation.
“My brother and the things we worked hard on inside the gym were definitely essential in my victory over Rahardian,” paliwanag ni Catalan. “My takedown defense was enhanced along with my striking, which was very evident on that evening.”
“Seeing positive results inspire you to push yourself more to the limit,” sabi niya.
“My win in Jakarta is just the beginning. Expect more explosive performances from me this coming 2019. The best is yet to come.”