KAMAKAILAN lang namin nalaman na hindi lang pala sina Kim Chiu at Xian Lim ang nagkadebelopan sa teleseryeng My Binondo Girl, kundi maging sina Ricardo Cepeda at Marina Benipayo.

Ricardo at Marina

Ito ang pagtatapat ng aktor nang makatsikahan namin siya, kasama ang kanyang lady love na si Marina, sa mediacon ng SVTOP International, Inc na may kinalaman sa Genius products, tulad ng G-Webphone App, G-Bio Energy, G-Bioinoculant, G-Bio Fruitmate, G-Bio Control, G-Bio Mycorrhizar, at G-Web Mall. Sa madaling salita, isa itong online marketplace.

Walong taon nang couple sina Ricardo at Marina, at wala silang isyu kung may project o wala ang isa’t isa. Okay nga rin daw kung magkasama sila sa iisang serye.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Wala kaming problema, kaya nga kami nagkadebelopan dahil sa project, ‘yung My Binondo Girl. Ang role namin doon, mag-ex (husband and wife). Pero we knew each other from modelling days pa, pero wala kaming inkling na ‘puwede siya’ kasi sister-brother lang kami noon,” kuwento ni Ricardo.Paano ilalarawan nina Ricardo at Marina ang walong taong relasyon nila, na pareho silang hiwalay sa kani-kanilang asawa?

“Still the same. We have fun with each other, we don’t have kid together,” sabi ni Ricardo.

Hirit naman ni Marina: “’Wag na (magkaanak), singkuwenta na kami.”

May wedding plans na ba sila?“Ay wala. Okay na hindi, mahal magpakasal,” sabi ni Marina, sabay tawa.

“Right now, were doing so well now. There’s no rush to tie the knot. I don’t think it will change anything na mas maganda pa? Kasi we get along so well, we get along financially, we get along emotionally, humor wise. Everyday parang nagde-date lang kami ‘pag walang shooting. Pupunta kami sa mall, kakain kami sa labas, manonood kami ng sine together,” paliwanag ni Ricardo.

“At saka ‘yung pag-manage ng kids together, it’s still separated,” sabi naman ni Marina.

Parehong tigdalawa ang mga anak nina Ricardo (dalawang babae) at Marina (dalawang lalaki), na hindi sa kanila nakatira dahil malalaki na sila at living independently.

Ibinuking pa na si Ricardo raw ang tagaluto sa bahay, at si Marina naman ang tagalinis ng bahay nila. Walang kasambahay ang dalawa dahil hindi na nila kailangan pa.

“I do everything, kita n’yo ang kalyo ko,” sabi ni Marina sabay pakita ng mga kamay.

Inamin din ng dalawa na hindi nila nakikita ang sarili na ikinakasal sa ngayon dahil “siguro may trauma pa kami”, ayon kay Marina.

“Siya (Ricardo) I respect his decisions and he has to build himself pa, ang he respects mine kasi sanay din akong mag-isa, eh.”

“Before you get into a relationship, you have to be good for yourself and the relationship adds na lang,” sabi naman ni Ricardo.

Friends ba si Ricardo at ang ex-wife niyang si Snooky Serna?

“I wouldn’t say friends but civil,” sabi ni Ricardo.

At ang mga anak nila ay magkakasundo.

“My kids love her, her kids okay with me,” anang aktor.

“His kids protects me,”masayang sabi ni Marina.

“It’s a very harmonious relationship, thank you God kasi day one palang magkasundo na kasi magkakalapit age nila,” kuwento pa ng aktres.

Samantala, successful businessman at consultant ang aktor at ang showbiz ay on the side.

Brand ambassador at consultant si Ricardo ng SVTOP International na ini-launch niya ngayon sa online ang market place nito.

Base sa mga produkto ng SVTOP ay mas naging interesado kami sa G-Power Patch na isang energy saving device, na makakapagpababa ng bill ng kuryente kapag ikinabit sa breaker o sa mga plug na ginagamitan ng kuryente, tulad ng telebisyon, refrigerator, plantsa, washing machine, aircon o anumang gamit na malakas ang kunsumo sa kuryente.

Aminado naman noong una ang aktres na hindi siya naniniwala pero nang siya mismo ang maka-experience ay talagang in-encourage na niya ang lahat ng tangkilikin ang G-Power Patch.

“Our electric bill used to be five to six thousand pesos a month and then kinabitan niya (Ricardo) ng G-patch ‘yung mga electric fan. Pero nu’ng time na ‘yun wala pa akong alam (kinabitan), tapos sabi nga niya (Ricardo) na pampatipid daw ng kuryente, sabi ko, ‘choz’.

“And then the next month ako kasi ang nagre-receive ng bill, tapos ‘yung bill namin naging 3.8K na. So kinuwestiyon ko siya (Ricardo) at sabi nga niya, ‘hindi ba ‘yan ‘yung kinabitan ko ng patch?’

“The last 4 months, kinumpara ko ‘yung bill, ‘yun nga pababa nang pababa ‘yung bill,” sabi ni Ricardo.

Legal ba ito sa Meralco?“Yes okay ito, ‘yung sa Meralco kasi bawal ‘yung gadget na makikialam sa connection (jumper). ‘Yung aming G-patch ay parang nagsuot ka lang ng band-aid, ikakabit lang sa wire. It regulates the flow,” ani Ricardo.

“Alam n’yo kasi, ‘yung system loss na nasa bill, ‘yan ‘yung mga kuryenteng nawawala sa atin. Not necessarily ‘yung mga naglalagay ng jumpers, just flowing to the wires, may mga nawawalang kuryente. Ang G-patch, nililinis niya para wala na tayong binabayarang extrang natatapon.”

“So you’re actually just charged with the electricity that you used, eh, ang nangyayari kasi sa atin now, naba-balloon because of the energy wasted,” dagdag ni Marina.

Hindi kunektado sa SVTOP si Marina pero lagi na siyang kasa-kasama rin ni Ricardo sa lahat ng events sa bansa at sa ibang bansa bilang guest speaker, at halos isang taon na rin ang aktor sa nasabing kumpanya. Umaabot daw sa limang taon ang G-patch kaya malaking tipid ito para sa mamamayang Pinoy na laging reklamo ang mataas na kuryente.

Natanong si Ricardo kung nai-recommend na niya sa co-actors niya.

“Not yet, si Imelda Papin pa lang, kasi may mga clinic-clinic siya, we’re going to install pa lang.

“Kasi ‘yung mga kasama (showbiz) mo, ‘yan ang hindi mga naniniwala. ‘Yung kapwa artista, hindi muna nakikinig. Ang kagandahan kasi ng product na ito is tangible, may nakikitang results kaagad.”

Samantala, muling tinanong si Ricardo na sa rami ng businesses niya ay bakit hindi pa niya iniiwan totally ang showbusiness gayung inamin namang hindi ito ang bread and butter niya.

‘Well, ‘yung nangyayari kasi sa showbiz, I enjoy it, it’s fun and it’s not my bread and butter. Kaya hindi ako tanggap nang tanggap ng project left and right lalo na kung hindi naman maganda ‘yung project.

“So, it’s give that having your own business allows you to make better choices. So showbiz is fun. ‘Pag type ko ‘yung project, so tinatanggap ko. Admittedly choosy ako sa roles kasi kailangan din talaga,” pagtatapat ni Ricardo.“Ako hindi choosy, mahirap lang talaga akong hanapan ng role. Kasi limited ‘yung role ko, kahit nga lola tatanggapin ko na,” sabi ni Marina, sabay tawa.

Palibhasa rating beauty-queen si Marina bilang 1992 Miss Maja-Pilipinas kaya regal ang itsura at kumilos kaya ang karakter na bagay sa kanya ay mayaman.

Hindi na raw nagpapaalamanan sina Ricardo at Marina kung tatanggap sila ng project at ang respective managers nila ang bahala.

Kuwento pa ni Ricardo, may cut-off time siya kaya isa rin iyon sa dahilan kung bakit piling-pili ang mga project na tinatanggap niya.

“Before I accept the offer, sinasabi ko mayroon akong negosyo kaya hindi ako puwedeng magdamagan ang taping na hanggang 7AM kasi may meeting ako on the next day. Ayoko namang um-attend na present ako sa meeting tapos antok na antok ako na hindi ko naman puwedeng ikatwiran na napuyat ako kasi nag-taping ako,”paliwanag ng aktor.

Nasusunod naman daw ang cut-off time na hinihingi ni Ricardo: “Minsan nagpapa-extend ng one hour, okay lang naman.”

-Reggee Bonoan