NABABANAAG na ang takip-silim sa boxing career ni eight-division world champion Manny Pacquiao. Ngunit, huwag mabahala ang sambayanan, may dalawang batang fighters na handang magsakripisyo at magpunyagi upang maibsan ang dagok sa industriya ng boxing sa panahong isasabit na ni Pacman ang kanyang ‘gloves’.

NILINAW ni Games and Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid (ikalawa mula sa kanan) na hindi nagkulang ang ahensiya sa gawain at responsibilidad sa pro sports, higit sa boxing kung kaya’t nananatili ang tiwala ng international boxing community, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) WBC Asia Super featherweight titlist Al ‘The Rock’ Toyogon, GAB boxing committee head Jun Bautista, TOPS prexy Ed Andaya, at WBA Asia bantamweight champion Carl Jammes ‘Wonder Boy’ Martin sa masiglang talakayan kahapon sa Tabloid Organization in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

NILINAW ni Games and Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid (ikalawa mula sa kanan) na hindi nagkulang ang ahensiya sa gawain at responsibilidad sa pro sports, higit sa boxing kung kaya’t nananatili ang tiwala ng international boxing community, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) WBC Asia Super featherweight titlist Al ‘The Rock’ Toyogon, GAB boxing committee head Jun Bautista, TOPS prexy Ed Andaya, at WBA Asia bantamweight champion Carl Jammes ‘Wonder Boy’ Martin sa masiglang talakayan kahapon sa Tabloid Organization in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Sa edad na 19-anyos kahanga-hanga ang marka ni Carl Jammes ‘Wonder Boy’ Martin mula sa lalawigan ng Lagawe, Ifugao at hindi pahuhuli ang grado na unti-unting nililikha ng 20-anyos na si Al ‘The Rock’ Toyogon  na mula sa masiglang lungsod ng Ozamiz.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

At tulad ng iba pang kabataang boksingero, kapwa nila idolo at nais tuluran ang ang tagumpay, higit ang tugatog ng tagumpay ni Pacquiao.

“Bata pa po ako, idolo ko na Sir Manny (Pacquiao). Tulad niya, galing din po ako sa hirap, nagtitiis kasama ang tatay ko para mag-ensayo sa payak na gymnasium, gamit namin yung mga sariling gawang punching bag. Unti-unti, baka sakaling masundan ko yung mga yakap ni Sir Manny,” pahayag ni Martin.

Sa impresibong 11-0 karta, 10 mula sa knockouts, tunay na maganda ang hinaharap na bukas ng batang Ifugao. At target ni Martin na mahila ang winning streak sa kanyang pagdepensa sa World Boxing Association (WBA) Asia bantamweight title sa pakikihamok sa matikas ding si Petchchorhae Kokietgym ng Thailand sa boxing title fight na promosyon ng dati ring world champion na si Gerry Penalosa sa Pebrero 16 sa Midas Hotel sa Pasay City.

“Ready na po ako physically and mentally. Napanood ko  rin po yung mga past fights ng kalaban ko, yung style niya counter-punching. Ayaw gumalaw kung hindi ka gagalaw. Sa tulong po ni Lord, sana mo makaya ko ang kalaban at manalo ako,” pahayag ni Martin, nakamit ang WBA title nang patulugin ang noo’y kampeon na si Moon Chul Suh ng Korea noong Oktubre 27 sa Lagawe, Ifugao.

Higit na beterano ang kanyang Thai rival na may 17-2 marka, ngunit kumpiyansa si Martin na maidadagdag sa kanyang mga napabagsak si Kokietgym.

“Hindi kop o masabi kung ilang round, pero pag nakita ko yung tyempo kukuni ko na, kahit anu pa ang maipatama ko sa kanyang suntok,” pahayag ni Martin, tangan ang mas impresibong 56-0 marka bilang isang amateur fighter.

Tahimik, ngunit, malupit na kamao ang taglay ni Toyogon na magdedepensa rin ng kanyang World Boxing Council (WBC) ABCO Silver Super Featherweight title kontra Japanese Ryusei Ishi ng Japan sa ‘Night of Champions XVI’, sa pangangasiwa ng beteranong promoter/matchmaker na si Bebot Elorde bukas (Enero 26) sa Elorde Sports Center sa Paranaque.

“Kondisyon na po ako. Lahat naman po ng itinuro sa training camp, pinag-aralan ko pong mabuti. Hindi ako sigurado kung ilang round pero kakayanin kong manalo para sa bayan,” pahayag ni Toyogon.

Laki rin sa hirap si Toyogon at taliwas sa pinagdaanan ni Martin, diretso itong nagsanay at sumabak bilang isang ganap na pro fighter.

“Walk-in siya (Toyogon_ sa Elorde gym,” pagbabalik-gunita ni Pat Pumar, tumatayong trainer ng  “The Rock”. “Sabi si Boss Bebot, tignan mo nga at isama sa training. Nakita ko may porma at potensyal kaya isinama ko na sa grupo,” aniya.

Bilang isang tunay na boxing master (kasabayan ni Pacquiao), alam ni Pumar na gintong kikinang sa tamang pagkakataon si Toyogon.

At sa maiksing panahon, pinatunayan ni Toyogon na may paglalagyan siya sa boxing mula nang mag-debut kontra Rex Merceno noong Agosto 2015. Sa kasalukuyan, tangan niya ang 9-2-1 karta, tampok ang anim na knockouts. Naipanalo niya ang huling apat na laban, kabilang ang title fight kontar kay Naotoshi Nakatani ng Japan noong Pebrero .

“Mahusay at mabilis ang mga kamay,” pahayag ni Pumar.

Nakatakda rin magtuos sa fight card ni Elorde sina Riccardo Sueno at Diomel Diocos para sa bakanteng WBC ABCO Flyweight Championship.

Ikinalugod naman nina Games and Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid at GAB boxing committee head Jun Bautista ang pagdami ng mga batang fighters na matagumpay sa world stage.

“Actually, if Manny (Pacquiao) considered to retire, maraming bata ang mahuhusay na posibleng matularan ang kanyang tagumpay. Tiyak na magugustuhan din n gating mga kababayan ang mga fighters na ito dahil talagang magagaling,” sambit ni Masanguid, masugid na tagasuporta ng sports programa sa Davao City nang panahong Mayor si Pangulong Duterte.

-EDWIN ROLLON