NEW YORK (AP) – Nanguna sina Los Angeles Lakers LeBron James at Milwaukee Bucks Giannis Antetokounmpo sa 10 ‘starting player’ para sa 2019 NBA All-Star Game.

Nanguna ang dalawa matapos ang huling bilangan sa boto ng mga tagahanga, kapwa NBA players at media member.

Bunsod ng pangunguna sa isinagawang botohan, itinalagang team captain sina James at Antetokounmpo, sa West at East Team, ayon sa pagkakasunod.

BIlang team captains, mamimili sila ng magiging kakampi mula sa walong kapwa starter at sa 14 na kabilang sa reserve pool.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakdang ipahayag ang kumpketong listahan ng bawat koponan para sa 68th NBA All-Star Game sa ipalalabas na NBA All-Star Draft Show sa TNT sa Huwebes (Feb. 7).

Nakatakda ang 2019 NBA All-Star Game sa February 17.

Napasama si James sa NBA All-Star sa ika-15 pagkakataon para makalapit sa marka nina Kareem Abdul-Jabbar (19) at Kobe Bryant (18).

Kasama ni James sa Western Conference starter pool sina Golden State Warriors’ Stephen Curry (guard) at Kevin Durant (frontcourt), Oklahoma City Thunder’s Paul George (frontcourt) at Houston Rockets’ James Harden (guard).

Sa Eastern Conference,makakasama ni Antetokounmpo (frontcourt) sina starter Philadelphia 76ers’ Joel Embiid (frontcourt),Boston Celtics’ Kyrie Irving (guard), Toronto Raptors’ Kawhi Leonard (frontcourt) at Charlotte Hornets’ Kemba Walker (guard).

Ito ang unang NBA All-Star Game ni Walker, na lalaro sa harap ng home crowd.